Magandang Araw Steemians! Ang sulat na ito ay galing sa aking kapatid na nag-aaral ngayon sa ikawalong baitang. Nais kong mapahubog ang kanyang pamamaraan ng pagsulat sa pamamagitan ng pagsalaysay sa mga nangyari sa kanya buong araw at ang kapalit ay sa kanya ang rewards ng post na ito. Magandang "positive reinforcement" diba? Diary niya ito kumbaga.
Anong Nangyari Sa Akin Ngayong Araw?
Nung gumising ako, tinawag agad ako ng aking nanay upang hugasan ko ang mga pinggan na galing sa mga kapatid kong kumain kaninang umaga. Pagkatapos ko namang hugasan ang mga pinggan ay agad akong naligo upang pumasok sa paaralan at pagkatapos ko namang mag-aral ay agad akong sumakay ng motor.
Nong natapos na ang klase pagdating ko naman sa bahay ay agad akong nag-aral sa mga lesson namin. Ang hirap mag-aral talaga. Pagkatapos ko namang magstudy ay agad kong tinulungan ang aking nanay sa mga gawaing bahay. Pagkatapos nun, pumunta ako sa internetan at naglaro ng ROS.
Deretso agad akong natulog pagkatapos kong maglaro.
Pinagawa ito sa akin ng aking kuya pagkatapos ay binibigyan niya ako ng 50 pesos para may pambaon ako bukas sa pag-aaral. Nais niya din kasing magsipag ako sa pag-aaral at pagsulat. Ang saya ko nang binigyan nya ako pagkatapos kong matapos ang sulat na ito.