Kuha ko to nung bumisita kami sa kaibigan namin dito sa Cebu sa Fiesta nila. Nag luto sila ng Kalderitang kambing at ang ulo ay hindi pa naluluto kaya nung naka inom na kami ang nag hanap kami ng masarap na pulotan ang napag desisyonan naming gawing Sinampalukan yung ulo ng kambing.
Sarap ng sabaw, sapat lang yung asim niya at sarap higupin. Busog na busog kami at pinapawisan talaga kami habang kumakain.
Salamat nga pala sa tropa namin na welcome na welcome kami sa kanila. Isa kang tunay na alamat pre.