Magandang gabi sa inyong lahat. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang isang tipid tips na galing sa inyong lingkod. Dahil sa napakamahal ng mga bilihin sa palengke at wala kami halos kinita sa aking pagtitinda ng balot ay naisipan kong magluto ng isang napa ka simpleng hapunan naming mag anak.
Dahil kami at mayroong taning na patola sa harapan ng aming bakuran ay binilhan ko ito ng kalahating kila ng isda na nag hahalagang 50 pesos! Opo! 50 pesos lang po yan. Patola at isda lang po iyan nilagyan ko lamang po ng kunting asin at bitsin para magkaroon ng lasa. Sa 50 pesos na nabili kong isda ay may ulam pa kami hanggang bukas ng umaga at tanghali. Pinaksiw ko po ang iba para kung sakaling hindi maubos bukas ay e-pi prito ko lamang po ito. Maraming salamat pagbabasa mga kabayan.