Brielle’s POV
Inaasahan kong magiging normal din ang daloy ng araw. Papasok, magtratrabaho, meetings, reviews, reading at kung ano ano pa ang ginagawa ko sa loob ng opisina para lang malibang ang sarili ko. Pero hindi, maraming tanong sa utak ko at gustong gusto kong malaman ang kasagutan, pero kung kaharap ko naman ang taong makapagbibigay non, mas tumataas naman ang pride ko.
“Uy! Narinig mo na ba yung sinasabi ni Sir Aeron?” -tanong ni Lai
“Ano yun?”
“May 1 week break tayo! Under vice president’s officers”
Mabuti naman kung ganon.
“Pero alam mo ba kung anong good news?” tanong pa niya sa akin
“Yung kasasabi mo lang, Laila.”
“Ngek! Hindi! I mean oo good news yun. Pero may isa paaa!!” sa pagkakasabi niya’y parang excited na excited siya!
“Ano ngaaa?”
“Syempre, trip to Norga Island, alam mo yung famous na pasyalan ngayon dito sa Pinas? Yun yun! At alam mo ba? Nakapagpabook na sila sa hotel na tutuluyan natin!”
Talagang maganda ang Norga Island base sa mga napanood ko at mga nakikita kong post ng mga kakilala ko noon. Kaya goal ko din talagang pasyalan yun pero ngayon, salamat at may pa treat silang vacation doon.
At ganoon nga ang nangyari! Nasa sampung employees ang kasama namin ngayon dito sa hotel, dalawang tao per room so automatic, dalawa kami ni Lai.
May office break din kami noon pero camping ang ginawa namin, yun kasi ang gusto ng karamihan sa amin, mas marami nga lang kami noon. Pero ngayon konti lang, mga malalapit lang na employees under VP kaya heto lang, pero naeenjoy naman sila.
Ang tatlong lalake na sina Vinz, Leo, at Amiel at kaming pito na babae, ako, si Lai, si Precious, Genin, Gwen, Fanny, at Erika.
Madalas magkasama sina Amiel, at Genin dahil mukhang may something, I dunno, pero lumabas silang dalawa at namasyal na ata. Si Vince, Leo, Gwen at Erika naman ay napagpasyahang mag swimming na, dahil naiinitan na raw sila. Naiwan kaming apat nila Fanny, Precious at Lai dito sa room ni Laila, may chinichika kasi si Fanny.
“Yeah! It sounded like that! I'm sure they are dating!”
Halatang sosyal parin ang pananalita ni Fanny, kahit nasa labas siya ng office. May kaya naman ang pamilya nila pero bet niya daw mag ipon.
“Eh pano naman Fanny? Alam mo namang may hinihintay si sir diba?”
“Wow wow! Ano siya? Martir? Come on, Precious it's been 5 years when they broke up. So it's natural kung magkagusto siya sa iba! Beside Yanie and Dwayne are friends before Dwayne met Yanyan!”
What? Hindi iisa si Yanie at Yanyan? Sino ba si Yanyan?
“Sigurado ka diyan sa binabalita mo, Fanny ah. It's not funny anymore.”
“Luh, come to think of it. Baka nga binigyan tayo ng break para may time si Dwayne at Yanie na mag date!”
“Sabagay!”
Nagpatuloy ang usapan nila patungkol kay Dwayne. Ako naman walang sinasabi pero tutok na tutok sa pakikinig.
Naalala ko tuloy noong nakaraang araw, yung hinalikan ng babae si Dwayne sa pisngi. Maganda siya, maputi at matangkad, mukhang Catriona Grey ang tindig at katawan kaya hindi impossibleng nagustuhan yun ni Dwayne, eh magkaibigan pa nga sila before naging sila ng ex niya. So mas matagal ang samahan nila noong si Yanie.
At baka nga nagustuhan niya lang si Yanyan dahil katunog ito ng pangalan ng kaibigan niyang si Yanie!
Tss!!! So inutusan kami dito para makapag date sila sa office? Ang galing din naman, Dwayne!
“Siguradong si Yanie yung tinutukoy ni Sir Dwayne noong nagbibiruan sila ni Amiel-”
“Ano bang sinabi niya?” si Lai na hindi nakapag hintay.
“Sandali! Excited ka kasi. Noong kinulit siya ni Amiel, hindi umamin si Sir, pero noong mas kinulit niya ito! BOOM 'meron daw!'”
“Yiieeeeeeee!” napatili si Lai sabay sulyap saakin, pinag taasan ko lang ito ng kilay at nagpatuloy sa pakikinig.
“Mabuti yun, kaya pala pansin kong masaya siya, noon pa! Hindi lang ngayon. Alam kong noon pa siya naka move on don!”- Si Fanny
“Uy wag ka! Mahal na mahal kaya niya yung ex niya, balita ko maganda at mabait yun kaya hindi basta basta ma fall out si Sir no!” Angil ni Precious
“Eh ano naman ngayon? Kung si Ms. Yanie, mas matagal silang magkakilala no. Mas bet ko kung ano man ang love story nilang dalawa!” si Fanny na Pro-Yannie.
“Tumahimik nga kayo!” hindi ko napigilan ang sarili ko, ayaw na ayaw ko ang distraction. Lalo na kapag pag ibig ang topic, may kung anong parte saakin ang nalulungkot at natatakot. “Ang ingay niyo.”
Eto ba ang tinatawag na vacation week, office break o anong tawag dito? Pumunta ba kami dito para pag usapan ang buhay ni Dwayne?
Sa totoo lang, nakakainis!
“Alam niyo, nag eenjoy dapat tayo ngayon eh, hindi yung ganitong pinag uusapan natin ang taong nag eenjoy naman ngayon sa opisina, kasama ang kung sino man sa dalawang tinukoy niyo.” pagpapatuloy ko at nakita kong natigilan naman sila sa sinabi ko, parang gulat na gulat silang napatingin sa pinto.
“Hayaan niyong magsaya silang dalawa, kung sino man doon sa tinukoy niyo. They can do whatever they want inside the office, they can hug, kiss, emote, and talk to what so ever. I don't really care.” dagdag ko pa at inayos ang bag at itinabi ko sa gilid ng kama “Tara na.” tumayo ako, inunahan ko na sila sa pagtayo dahil gulat na gulat parin sila, nagpalipat lipat ang tingin nila sa kung saan.
Wala akong nagawa kundi ang talikuran sila, pero ganon nalang kalakas ang kabog ng dibdib ko at napatakip ang kanang kamay sa labi ko noong makita kung sino ang nasa hamba ng pintuan, crossing his arms, with blank expression on his face, he didn’t tear his dark eyes on mine!
Naka denim blue na pantalon at white tshirt lang siya.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba naiwan siya at kami lang ang may vacation?
“Ah sir, s-sorry po.” napapahiyang napakamot si Precious sa tenga niya. “Hindi po namin sinasadyang pag usapan ka, si Fanny po kasi!”
Umirap nalang si Fanny at natatawa pa. Pero wala akong pake alam kung anong reaksyon nila. I don't care.
“So what, normal lang naman yun. Right Dwayne?...Uh! I can't call you sir here, we’re not at work, I'm here for vacation.” mataray na wika nito, at nauna ng lumabas, nilagpasan niya kami.
Sumunod naman si Precious, at si Laila na may nanunuksong tingin.
At anong ginagawa ko? Ako ang nagyayang mauna ng lumabas pero ako pa tong nahuli?
Magaling! Magaling na magaling, Brielle.
Padabog kong tinalikuran si Dwayne at nagsimula ng maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo’y narinig ko ang yapak sa likuran ko, patuloy parin ako aa paglakad at hindi siya nilingon hanggang sa sumakay na ako sa elevator, baka kasi nag swiswimming na sila sa dagat.
Pero kung masamang araw nga naman, sumakay din siya sa elevator, at worst katabi ko pa!
“Ah..” panimula niya na parang may naalala “You don't really care, hmm.” may kung anong nagsasabi na parang nag iisip o nang aasar siya.
I gasped, tried to look at him in the eye. Pero napapaso ako sa madilim na titig niya.
”I don't care if you two can do whatever you want. Pwede ka namang bumalik sa office mo para makasama siya, hindi yung sumama ka pa dito.”
I don't know if I'm being harsh with him but I just want to be true.
“Tsss, haha.” mas nairita ako noong tumawa siya. Hindi nalang ako nagsalita pa dahil kumukulo na ang dugo ko!
Tahimik akong naglakad papuntang cottage, at nandon ang damit ng kaibigan ko, laking gulat ko noong nakasunod pa rin si Dwayne.
“Bakit mo ba ako sinusund--”
“Dwayne!” natigil ako noong may malambig na boses ang tumawag sa kanya. Nilingon ko ito
At... Oh, magaling! Magaling talaga!
So, dito pa nila planong mag date?
“Op Yanie... akala ko nagpapahinga palang kayo? Where are the two men?” lumapit na si Yannie sa direksiyon namin pero na kay Dwayne lang ang tingin at ngiti nito.
“Yes, we planned to rest, but after seeing how beautiful this Norga Island, we decided to swim na. Kasama ko si Ellaine. And I don't know where are the boys.”
Iniwan ko ang dalawa sa gitna ng malambing nilang pag uusap. Sumama ako kila Lai na nag swimming. Pero naiirita pa rin ako.
“Wala pa yung dalawa?” tanong ni Dwayne kay Yannie, nakaupo na kami ngayon at magsisimula na sa pagkain.
Isang malaking table ang hinanda para sa amin. Maraming ibat ibang putahe, some are chinese foods but mostly filipino sea foods.
Kanina pa sila nag uusap tungkol sa kung ano anong topic. Nagkakasundo naman silang lahat.
“Sorry we’re late!” nag angat ako ng tingin at nakitang papalapit si Zac at Aeron.
“Hi, Miss Crabby Secretary!” pambungad agad ni Zach. Natatawa naman ang ilang ka office mate ni Lai. “Hi Brielle,” nakangiti pang tawag niya ulit at tumabi sakin. Bakante nga pala ang upuan na ito.
“Hi.” tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy ako sa pagkain.
Masaya naman ang naging usapan nila, minsan tinutukso nila si Aeron at Dwayne na dalasan daw nila ang pagbibigay ng ng office break, gaya nito.
“Wala! Dapat lahat kasali!” sigaw ni Gwen, ang pangalawang pinakamadaldal.
“Okay fine!” si Fanny.
Nasa kabilang round table na ang boys at nag iinuman na sila. May wine naman sa table namin pero gusto ni Lai ang mag laro. Spin the bottle daw. Wala namang umayaw bukod kay Fanny at ako lang sana pero dahil okay naman na si Fanny sa laro, nakilaro nalang ako. Bale kasali samin sina Yannie at Ellaine, kanina pa sila nakikipagtawanan kina Lai.
“Im gonna squeeze you with questions this time, Yannie!” sigaw ni Ellaine habang nakahawak sa wine glass niya. Tumawa nalang din si Yannie.
“Truth or dare?” tanong ni Lai kay Genin na mukhang namumula na.
“Truth.”
“Kayo na ba ni Amiel?”
Hindi siya sumagot pero nakangiti siya, tumingin naman ako sa table ng boys pero nadatnan ko ang malalim na titig ni Dwayne sakin, tinaasan ko siya ng kilay pero ganon din ang ginawa.
Ano bang tinitingin tingin mo jan? Tusukin ko kaya yang maganda mong mata?
Napailing ako sa kabrutalan ng pag iisip ko sa kanya, kung tutuusin wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit ganon nalang kung makapag react ako.
“Brielle”
Kinuha niya ang wine glass sa table ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Nawala ang malalim niyang titig pero unti unting sumilay ang magaganda niyang ngiti, dahilan para pagpawisan ang aking mga kamay. Itaas niya ang baso, bilang pag aya ng inom habang nangingiti pero inirapan ko nalang siya. Late na noong narealized kong titig na titig pala ako sa kanya!
Ngumuso ito at parang nag pipigil ng tawa!
“Brielle!” halos mapatalon ako sa kinauupuan ko noong tinawag ang pangalan ko.
“Kanina ka pa tinatawag, apat na beses. Mamaya mo na titigan.” bulong ni Lai na nakapagpakaba pa sakin.
Nakakainis ang ngiting yan...
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 7/15 (Smile) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.20.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |