PART 1
PART 2
(Para makasunod sa story)
Saan nga ba sila napadpad?
May nagmagandang loob ba na tulungan sila dahil sa buntis ang ating bida?
Dahil sa pangyayari at siguro sa bigat ng mga bag na buhat buhat ni Kiko ay nagkasakit ito.
Sheh: sobrang init mo po. Paanong gagawin natin? Bakit ka nangiginig? Naiiyak na ako.
Hindi na alam ni Sheh ang gagawin sa may sakit niyang partner. Sa dami at bigat pa ng dala dala nito na tila magkakalas kalas na ang mga buto nito. Nasa nakakaawa silang kalagayan noon. Hindi pa nila alam ang gagawin at kung saan sila tutungo.
Kiko: huwag mo na akong isipin. Ikaw ang iniisip ko at si Baby. Maggagabi na. Hindi ko alam kung saan ko kayo dadalhin.
Napakawala kong kwenta. Wala akong magawa. Sabi pa ni Kiko.
At agad nang lumabas ang mga luha sa kanyang mga mata at patuloy ito sa pag agos. Maging si Sheh ay napaiyak na rin. Gulong gulo silang dalawa at hindi alam ang gagawing solusyon sa kanilang suliranin.
Nagpasya si Kiko na ibalik si Sheh sa kanila.
Dahil hindi niya na rin talaga kaya.
Sobrang taas na ng kanyang lagnat.
Napaka init niya at nangangatog o nanginginig pa siya. Wala talaga siyang magawa.
7:00 PM na noong sila ay nakabalik sa Tahanan ng mga magulang ni Sheh. Doon lamang sila nag stay sa loob ng Gate sa labas ng bahay. Hindi sila pumasok. Doon sila nagpahinga sa mga container sa tabi ng pader.
Wala manlang nakapansin sa kanila o maaaring hindi talaga sila pinansin. Hindi rin alam ni Sheh Kung paano niya iaapproach ang kanyang mga magulang. Iniisip niya na panibagong ibabato na naman nila ito sa kanya. Na nagpabuntis buntis tapos hindi kayang pangatawanan. Pero Wala siyang magawa. Kailangan nilang babaan ang kanilang sarili dahil sila ang may Kailangan.
Napakahirap ng naging kalagayan ng dalawa.
Isa na itong aral na nararapat na maghintay sa tamang panahon at pagkakataon ang mga kabataan.
Hindi dapat nagpapadala sa bugso ng damdamin. Dapat gamitin ang Utak at hindi ang Emosyon.
Huwag magdidesisyon na hindi pa pala kayang pangatawanan ang desisyong gagawin.
Hindi madali magpamilya, magbuntis ng almost ten months, maglihi, makisama kahit sa sarili mo pang pamilya, mag alaga ng bata, mag alaga at magdesiplina ng asawa.
Hindi siya madali.
Kaya sana sa mga kabataan, isip isip muna.
Bumalik na tayo sa pangyayari...
Hiyang hiya ang dalawa pero kailangan alagaan ni Sheh si Kiko dahil sa sakit nito. Maganda at hindi siya nakaramdam ng masama sa pagbubuntis niya. Pero awang awa siya kay Kiko. Sobrang nahirapan at nastress ito sa pangyayari. Nakiusap sila at humingi ng tawad sa magulang ni Sheh. Hindi nga nagkamali si Sheh. Tinanggap nga sila ngunit hindi maiwasan ang mga panunumbat at ang panunuya sa kanya.
Umiiyak na lang siya sa kama niya kapag walang tao o sa banyo ng walang nakakarinig na Kahit sino. Isang pag iyak na walang naririnig na boses. Pakubli niya itong ginagawa. Ganyan kasakit para sa kanya ang kanyang mga naririnig.
Kinakausap niya si Kiko kapag dumadalaw ito sa kanya o sa text message. Sinasabi nito ang hirap at bigat na nadarama niya sa bawat araw. Nakikiusap na si Sheh na kunin na siya ni Kiko at magsama na sila kasi nahihirapan na siya emotionally.
Pero wala silang magawa kasi walang makuha pa na magandang trabaho si Kiko. Pinasok niya na ang pagcoconstraction worker sa isang kilalang crematorium ngayon sa Quezon City. Nagbantay ng mga tindahan ng parts ng sasakyan. Naging utusan. Para lang may maitustos sa buntis niyang kasintahan.
Hanggang sa dumating na nga ang panahon na manganganak na si Sheh. Dahil nga sa may sakit siya. Hindi nag atubili ang kanyang Ina na dalin siya sa isang private na paanakan at pinili ng kanyang Ina ang Forceps painless normal delivery para kay Sheh.
Para hindi siya mahirapan manganak.
Pero talagang mahal si Sheh ng Diyos kasi manganganak na siya pero Wala siyang nararamdaman. Hindi din niya naranasan ang sakit ng paglilabor kasi Wala talagang sakit o Kahit anong pakiramdam sa labor stage. Nakastay lang siya sa wheelchair.
Sabi pa nga nila sa kanya: Wala pa yan, nakakangiti pa.
Hapon pa Lang nandoon na sila ng mama niya.
Hanggang sa pinahiga na siya muna sa waiting Area sa may delivery room kasi Wala talaga siyang nararamdaman. Kaya sa "IE" na lang nagbabase ang "OB" na magpapa anak sa kanya.
Umabot na ng gabi.
Hanggang sa sinabi ni Sheh: Doc, lalabas na po!
Agad nag ie ang doctor at nagmadali silang nilipat siya sa delivery room. Maraming nagkakagulo. Napansin niya na may mga lalaki pang andun. Dahil nga first time niya nahihiya siya pero Wala naman na siyang magagawa.
Tinurukan na siya ng hindi niya alam kung ano. Pero super sakit at gumuhit iyon sa ugat ng kanyang braso.
Ramdam na ramdam niya ang pagpasok ng gamot at pagguhit nito sa ugat sa braso niya. Hanggang sa nakatulog na siya.
Around 7pm siya nanganak pero 2am na siya nagising at maayos na ang lahat andoon na rin si Baby sa tabi ng kama niya. Andoon ang kanyang Ina at Ama ngunit Wala si Kiko.
Tanong niya agad: nasaan si Kiko? Bakit Wala pa siya? Hindi niya ba nareceive yung mga text messages ko?
Hindi manlang nagpakita si Kiko hanggang sa makauwi sila ng bahay. Wala pa rin siya. Walang text message. Wala siya. Ni anino niya hindi nagpakita.
Lubos na nalungkot si Sheh.
Ang tanong nilang lahat:
Nasaan si Kiko? Bakit Wala siya noong nanganak si Sheh hanggang sa makauwi na ito kasama ang Baby nila?
Nasaan nga ba si Kiko?
Abangan ang susunod na kabanata....
Itutuloy...
To be continued...
(Umiiyak ako habang sinusulat ko ito. May mga part na talagang lumalabas ang luha ko.)
-----§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§-----