Masarap din sa pakiramdam na may holidays kasi may panahon na magkasama-sama ang pamilya.
Natapos na ang tatlong araw na Holiday (hwebes, byernes at lunes sa sumunod na linggo). Ang daming namasyal, ang daming naligo ng dagat, ang daming umuwi ng probinsya at nakikipaghalubilo sa bawat myembro ng pamilya.*
Ang Tagalog Trail community ay may ikaapat na patimpalak sa wikang Tagalog sa linggong ito at ang isa sa mga tanong ay Team Bahay o team gala ka ba?
Team Bahay
Dahil sa walang budget para sa gala, wala na akong ibang mapagpipilian pa kundi ang manatili lamang sa bahay kasama ang pamilya at sulitin ang mga araw na walang pasok ang anak at asawa.
Habang nasa bahay at walang ibang magawa maliban sa araw-araw na gawain ay naisip naming mag asawa na maglinis ng buong bahay at maglaba ng mga labahin. Isa ito sa magandang oportunidad na matulungan ako ng aking asawa sa gawaing bahay kasi kadalasan ako talaga ang gumagawa nito bilang asawa at ina.
Sya ang naglinis ng bahay habang ako naman ay naglaba ng mga labahin. Mabilis syang natapos at tinulungan nya ako sa paglalaba, sya ang taga banlaw at ako naman ang taga sampay. Minsan lang talaga nangyayari ang mga ganitong pagkakataon kaya grab ko na agad habang may bakanteng araw, panahon at oras.
Sumubok din kaming gumawa ng juice na gawa sa niyog at carrots upang may mainom na masustanya at natural na juice.
Team Bahay dahil walang budget sa gala pero di rin ibig sabihin na di kami lumabas. Kaya lumabas din kami kahit papano.
Alam nyo ba kung saan kami lumabas?
Garden
Binisita namin ang garden sa lupa na kasalukuyan pa naming binabayaran. Sayang naman na di magagamit ang lupa kaya naman ginamit na namin at pinag taniman ng mga sari-saring prutas at gulay.
Para na rin kaming nag picnic doon kasi doon kami kumain ng tanghalian at alam nyo ba ano ulam namin? Tuyo o bulad sa Cebuano. Oh diba simple lang pero masaya.
Naglakad-lakad at namasyal sa kapaligiran
Isa din sa mga nagawa namin nung holiday ay ang maglakad-lakad kasama ang pamilya.
Isa ito sa simpleng gawain pero malaki ang maitulong upang mas mapalakas ang relasyon ng pamilya. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon kami ng oras para sa isa't-isa at nag enjoy kahit sa simpleng lakad-lakad lang at nag enjoy sa mga tanawin.
Yan ang buod ng aming mga nagawa nung holiday. Team Bahay lang talaga kami pero may kunti ding Team gala kaya lang sa garden at sa pinyahan nga lang, hehehe.
Ito pala ang aking unang paglahok sa patimpalak ng Tagalog trail na pinangunahan ni .
Salamat sa pagbisita sa post na ito at salamat sa pagbasa. Hanggang sa susunod kong artikulo, see you😊.