Dahil laking Maynila ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakasakay ng Jeepney. Naaalala ko noong elementarya pa lang ako, unang beses na pinayagan ako umuwi mag-isa ng aking nanay. Dahil iisang route lang ang dinadaanan ng Jeep sa aming lugar, hindi ako nahirapan sa pag sasakay at madali kong nagamay kung paano umuwi sa aming bahay. May mga panahon rin na nag-black 1-2-3 ako kasama ng aking mga kaklase. Black 1-2-3 means hindi pagbabayad sa Jeepney driver. (Okay, sabihan niyo na kong masamang tao pero pinagsisisihan ko yun promise) Pero dahil mababait ang mga Jeepney driver na sinasakyan ko noong bata ako, never pa ako na call out ng driver na hindi nagbabayad ng pamasahe. Noong panahong yun ay limaang piso pa lang ang binabayad ng mga estudyante sa Jeep. Ngunit dahil kinse or fifteen pesos lang ang baon ko dati eh malaking pera na rin sakin kung makaka save ako ng limang piso sa isang araw. Nalaman yun ng aking nanay at tatay kalaunan. Syempre, normal na pagalitan ako at naiintindihan ko yun. Simula noon ay hinanapan na nila ako ng service, AKA padyak or sidecar.
Habang lumalaki ay patuloy pa rin akong gumagamit ng Jeep bilang pangunahing transportasyon ko. Pero maniniwala ba kayo na college na ako noong matuto talaga ng mga daan sa kalye? Paano ba naman kasi, sobrang lapit na noon ng school ko eh hinahatid pa kami ng aking tatay gamit ang kaniyang sasakyan. Kaya ayun, ang laki ko na pero lagi pa rin akong naliligaw kapag sumasakay ng Jeep.
At dahil nga hindi na mabilang sa aking kamay kung ilang beses akong sumasakay ng Jeepneys, napakarami kong mga experience rito na hinding hindi ko talaga maakakalimutan. Osige, unahin natin ang mga sabaw-moments.
Feeling ko ay marami na rin sa ating nakasakay sa Jeep at nakalimutang magbayad. Uunahan ko na kayo, hindi ako nag black 123 noong time na yun at sadyang sabaw lang talaaga ako. Paano ba naman, rush hour din yun, mainit panahon at ang dami ko pang dala. In short, haggardo versoza talaga ang ses niyo. So ayon nga, puno na ang Jeep pero pinilit ko pa ring sumakay. Halos kalahati ng pisngi na lang ng pwet ko yung nakaupo pero pi-nush ko pa rin dahil sa mga oras na yon, madaling madali na talaga ako. So ang siste, tinanong ko ang drayber kung dadaan ba sa bababaan ko. Sinabi niyang oo sabay tanong ulit ako kung magkano. After malaman yung amount na dapat kong bayaran sa drayber, inisip ko muna kung paano ako makakaupo ng maayos. Nag-antay ako ng mga taong bababa dahil ipit na ipit na talaga ako, dagdag nyo pa ung init ng panahon. Awang awa talaga ako sa sarili ko noong mga oras na iyon pero dahil isa pa rin ako sa mga mandirigma noong araw na iyon, hindi ko na inisip yung amoy at pawis ko. Dahil nasa loob ng bagpack ko ang wallet ko, nahirapan talaga akong kunin yun at hindi ko alam bakit bigla na lang akong bumaba ng jeep ng di nag-aabot ng bayad. Nasa taas loob na ko ng room namin bago ko napagtanto ung sabaw-moments na yun dahil inalok ako sa canteen ng kasama ko.
So another scenario naman is yung bigla kaming pinababa ng Jeep na sinasakyan namin at pinasakay sa kabilang Jeep. (Uso yung ganitong eksena sa bandang Shaw, Mandaluyong kaya kapag sumakay ako ng jeep doon, late pa rin talaga ako nagabbayad) So ayun nga, pinalipat kami ng jeep tapos hindi ulit kami nakapag bayad ng pamasahee ng kasama ko doon sa bagong drayber. Bago kami bumaba sa unang jeep ay binalik nito yung pamasahe namin para kami na lang magbabayad doon sa drayber na pinaglipatan namin. Nakonsensya talga kami noong araw na iyon dahil ilang kilometro rin ang binyahe ng Jeep na iyon.
Marami pa kong experience sa mga Jeepneys pero iilan lang ang tumatak sa aking utak dahil hindi ko talaga kayang kalimutan. Yung iba ay nagdulot ng trauma pero mas marami pa ring katatawanan.
Dahil sa napapabalitang pag-phase-out ng mga Jeep sa buong bansa, marami ang umaalma. Lahat talaga ng tao sa aming bansa ay apektado. Ilang araw pa lang na wala kaming makitang mga Jeep sa kalsada ay sobrang hirap na lumabas at pumunta sa mga destinasyon. Nariyan na ang mga makabagong transportasyon gaya ng Minibus, uso na rin ang mga GRAB, Angkas at Joyride pero mas hinahanap pa rin ng mga tao ang mga Jeep na Hari talaga ng Kalsada. para sa akin ay wala namang masama kung magkakaroon ng pagbabago ngunit mas mabuting i-consider man lang muna ng administrasyon ang mga taong maaapektuhan.
Anyways, salamat sa pagbabasa at sana ay na-entertain ko kayo sa aking entry sa challenge ng HivePH Community. 😍🥰😊