Isa na namang pagbati sa inyong lahat. Malapit na ang Mother's Day kaya ako'y babati na sa lahat ng mommies diyan, Happy Mother's Day!!
Ngayon po ay ibibida ko lamang ang aking espesyal na niluto para sa araw na ito. Isang espesyal na kare-kare para sa aking pamilya.
Half-cooked lamang ang ginawa kong pagluto sa mga gulay para andun pa din ang manamis-namis na lasa ng fresh na gulay.
Sinahugan ko ito ng piniritong talong at crispy pork. Para naman lasap ang linamnam at lutong nito.
Tara kaen tayo mga ka-Steemians!!