Naniniwala akong maliit ang mundo,
na sa bawat paghakbang ko
maaari kitang makabunggo.
Dumating man ulit
ang pagkakataong ito,
magpapanggap ako
na walang nangyari
at maglalakad papalayo.
At kung tawagin mo man
ang pangalan ko,
pangako,
di na ko lilingon pa ulit sa’yo.
—c.Lupig
Photo by Floremie Baozi