Ito po ang ginataan kapayas na luto ng tatay ko kaninang umaga para sa aming agahan. Ito po ay hiniwang kapayas at linagyan nya ng mga maliliit na isda para magka lasa po ito. Linagyan nya rin ito ng sabaw na galing sa katas ng niyog para maging mas masarap ito. Ang sarap sarap po nito at talagang na ubos namin lahat. Masaya ako pag si tatay na ang nagluluto kasi lahat ng kanyang putahe ay mura at masarap.