Hi guys, magandang gabi sa ating lahat! Kumusta po ang maghapon? Sana okey lang kahit maraming dumarating pagsubok sa ating buhay sana po bawat isa saatin ay hindi mawalan ng pag-asa. Tawanan lang natin and dumarating na problema pasasaan pa at malalampasan din natin yan. Basta lage lang nating isipin lageng anjan sa tabi natin ang panginoon upang gabayan tayo sa lahat ng problemang dumaratin saating buhay hindi nya tayo pababayaan manalig lang tayo sa kanya ng buong puso.🙏
Ngayon guys andito nanaman ako upang magbahagi nanaman sainyo ng bagong lutuing ulam. At eto po ang Pork Adobo recipe alam nating lahat ang adobo ay isa sa pinaka sikat at paboritong ulam nating mga pilipino. At eto ay minana pa natin sa mga ninono pa noong unang panahon. At ang pinaka original netong recipe ay bawang, toyo, suka, dahon ng laurel at paminta. Pero dumating ang panahon natin ngayon ay nag-iba iba na ang mga ginagamit na sangkap. Pero halos pareho lang naman ang lasa.
Ngayon guys ibabahagi ko sainyo ang sarili kong recipe eto po ay mga madadali lamang mahanap at mabili. Ganun din ay kayang kaya din saating budjet dahil hindi naman kamahalan ang mga eto. Sana po magustuhan ninyo mga mahal kung kapw steemians.
Cooking time: 1 hours
Mga sangkap:
3/4 kilo Pork Kasim (hiwain ng maninipis)
1/2 cup Toyo
1/2 cup Suka
1 cup water
2 kutsara Oyster sauce (1 budjet pack)
1 buong Bawang (durog)
1 pirasong malaking Sibuyas na pula (hiwain ng pabilog)
1 pirasong Bell pepper (hiwain ng pabilog at tanggalin ang mga buto)
1/2 kutsaritang Paminta buo
2 piraso ng dahon ng Laurel
Paraan ng Pagluto:
Take note: maglagay ng tinidor habang niluluto ang adobo upang madali lumambot ang karne!😄
Ilagay ang karne ng Baboy sa lutuang kaldero or kawali. Ihalo ang toyo, dahon ng laurel, pamintang buo. Takpan at lutuin ng bahagya.
Ilagay ang tubig at pakuluin ng konte at ihalo ang oyster sauce. Takpan muli hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne ng baboy. Balik balikan at halo-haloin at hinaan lamang ang apoy.
Ilagay ang suka haluin at takpan muli lutuin ng mga 10 minuto.
Then ilagay ang hiniwang sibuyas at bell pepper haluin ng saglit at patayin ang apoy.
Ihanda ng mainit at samahan ng kaning umusok-usok then kain na tayo Happy eating guys!🤗😍😋
Narito po ang mga konte kung kuhang mga larawan bago ko eto lutuin!
Bawang, water, suka, toyo, paminta at dahon ng laurel
Bell pepper at sibuyas
Maraming salamat po sa pagbasa at pagdaan dito sa aking blog!😍
Hanggang sa muli... Godbless steemians😘🙏
Guys please follow and continue to support kuya terry or us our voting witness!
Write: and others witnesses
https://steemit.com/~witnesses
Guys and also please follow and support ,
,
,
,
,
and
sila po ay mabubuting steemians at marami na silang natulungan isa na po ako dun.😍🤗😄
Thank you so much for your support!😘