Hello, mga ka-Steemians!
Magandang araw pong muli at ngayong umaga ay gumising ako ng maaga upang magluto ng aming agahan o breakfast. Kakaibang ulam at hindi katulad ng mga nakasanayang luto tulad ng hotdog, itlog o longganisa.
Ang tawag dito ay "Okoy". Gawa ito sa pinagsama-samang harina, kalabasa, hipon na maliliit at mga pampalasa.
Masarap itong papakin o di kaya ay ulamin sa mainit na sinangag o kanin. Isawsaw din ito sa suka para mas sumarap. Nilagyan ko ng pipino o cucumber ang aking ginawang suka at sili para may anghang. Haluan din ng kahit isang kutsaritang asukal para magkaroon ng pambalanse sa asim.
| Category | |
| Camera | Oppo F1s Plus |
| Location | Philippines |
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.