Tokneneng!
Marahil ang iba sa inyu hindi alam itong napakasimple pero napakasarap na pagkain na ito.
Ewan ko kung san ito nagmula o kung sino ang nakadiskubre ng recipe na ito pero I am sure sikat na sya ngayon. Hahaha.
Anu ba ang Tokneneng?
Eto po ay ang big brother ni Kwekkwek! Teka hindi nyu din ba alam si kwekkwek? 😅
Ok, tokneneg po ay isang streetfood sa Pilipinas, isa sa mga paboritong pantawid gutom ng mga Pilipino , may kaya man , nasa middle class o mga trabahador at construction worker. Malimit itong nilalako ni manong na me dalang sidecar o push kart. May lutuan sya at kawali na roon. Kasama itong nilalako ng fishballs, squiballs at kikyam.
Teka bago tayu kumain neto alamin muna naten ang proseso kung paanu ito lutuin.
Ilaga muna naten ang itlog hanggang mabuo gitna neto.
Gumawa din tayu na batter o mixture ng harina lagyan ng asin, paminta at lagyan dn ng kahel na pampakulay.
Ihalo ang itlog sa batter mixture. At saka uprito hanggang maging malutong ang labas nito. Hanguin kapag tingin mo'y luto na.
Masarap itong ihain kasama ng sawsawang suka na manamis namis n me kasama tinadtad na sibuyas.
Madalas itong ipulutan ng ating mga manginginom dyan. Haha
Namiss ko kumain ng tokneneng kaya ako'y nagluto na. Hindi ko naman isasabay sa alak pagkat d naman ako manginginom.
Subukan nyu din magluto.
Tokneneng!!
Pilipino atin ito!!
Salamat sa inyong oras!
Pwede dn po kayung kumonekta sa aking :
FACEBOOK](https://www.facebook.com/BlissfullyHooked/)
INSTAGRAM