Dwayne Alfie’s POV
I’ve been watching her the whole hours, simula noong nakarating ako dito sa Norga Island, siya agad ang hinanap ko. Hanggang sa kumakain at ngayong naglalaro sila.
Nakakatuwang hindi niya tinanggal ang titig niya sa akin, dahilan para labanan ko iyon. Nararamdaman ko nalang ang pag angat ng mga labi ko, parang napupunit sa kangingiti ko sa kanya mula noong nakatitig siya. Pikon at nagtataray ang titig niyang iyon.
“Brielle, truth or dare?”
Pero hindi siya sumagot nasa akin lang tingin niya.
“Brielle...” tawag ni Precious, hindi ko ito nilingon sapagkat nilalabanan ko lang ang titig niya.
Ewan ko kung sinasadya niya itong hindi pansinin pero bakit naman sana? Gusto kong matawa noong naramdaman kong lutang siya, ilang tawag pa bago siya natatarantang sumagot. Yan, yan ang isang dahilan kung bakit.
“Truth..” I concentrated more in listening to them. Kahit pa sinisita na ako ni Aeron at tinutukso na ako ni Amiel na nakikisalo sa usapan ng babae.
“Ako nalang magtatanong...” Precious
“No! Ako kaya!” Fanny
“Tahimik! Ako nalang.” Si Lai
“Dapat mayroon kang maisagot ha, kasi kung wala...I dare you.” sabi ni Lai at mukhang kinakabahan naman si Brielle. “Sinong crush mo dun sa boys.” sabay nguso niya sa table namin.
Hindi naka sagot si Brielle.
“Bilis sagutin mo.” narinig kong sabi ni Zac habang nakangiting nanonood din, nandilim ang tingin ko sa kanya.
“Isa ka rin!” binatukan siya ni Aeron at inilipat ang tingin sa akin.
“Wala akong crush! Alam mo naman kung gaano ko ka ayaw yan!” sagot ni Brielle pero parang nadurog ang puso ko doon.
“Okay, ganito nalang, yakapin mo si Dwayne.”
Namilog at natigil ako sa pagsimsim ng alak, may kung anong nagpipiyesta sa loob ng katawan ko, napatingin ako kay Zac na madilim na ang tingin sa akin pero binaling ko ang atensyon kay Brielle.
Literal na napatayo at mahinang naihampas niya ang kamay sa table. Nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at sa kagrupo niya. Kung tatanggihan niya yon, KJ siya. May mas malubha pa nga kanina.
Nagprotesta siya pero wala siyang magawa.
“Don’t try to escape, Brielle. Wag ganyan, wag KJ.” si Lai ang nagsabi non at sinang ayunan siya ng lahat maliban kay Yannie at Ellise.
“Oh, para sure, let's ask Dwayne for approval.” Si Fanny. “Oh, pero okay lang ba sayo Yannie?” hindi ko alam kung bakit kailangan pang tanungin si Yannie. Hindi naman kami. Pero naalala kong tinutukso nga pala ako sa kanya.
“O-okay lang.” si Yannie at napatingin sa akin at kay Brielle. Pansin na pansin ang hindi komportableng mukha ni Brielle.
Pero sandali...
Namumula siya, at ngayon ko lang siya makitang ganyan. Mas napangiti ako don, habang pinagmamasdan siya.
Baliw na kung baliw ang tawag dito pero, masaya lang ako.
“Why not? Okay lang sakin yun.” I replied to Laila. Pero bago pa ako nagsalita ay itinulak na ako ni Aeron at Amiel sa gitna. Ganon din siya, pinagtutulungang makalapit sa akin.
Ilang dipa nalang ang agwat naming dalawa, naiilang siyang tumitig sa akin. Pero ngayon lang nanaman ako kinabahan ng ganito, yung kabang hindi maipaliwanag ang dahilan.
Basta alam kong espesyal ang pakiramdam na iyon, at matagal ko ng nararamdaman sa kanya.
Oo, matagal na.
Natatakot man akong aminin, pero alam kong matagal na akong nahulog sa babaeng kaharap ko ngayon, ang nag iisang sekretarya ng buhay ko.
Natatakot ako, pero bakit masaya naman ang maramdamang ganito kung para sa kanya?
Hiyawan ng grupo ang naririnig ko, pero ang pinakamalakas sa lahat ay si Amiel at Laila. Kung hindi lang nag dadate si Amiel at Genin, sasabihin kong mas bagay sila ni Laila.
“Don’t worry friendly hug lang yan! Hug, bilang pasasalamat sa pagiging mabait na boss ni sir Dwayne!”
Dahil sa tuksuhan at pamimilit ng kaibigan, mabilis niyang tinahak ang espasyo sa pagitan namin, pero bumagal ito sa paningin ko.
Nililipad ng hangin mula sa labas ang mahaba niyang buhok, namumula ang kanyang mga pisngi, salubong ang kilay at kinakabahan siya base sa kanyang mga mata. Bagay na bagay sa kanya ang Bohemian Dress na kulay puti.
Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa aking braso, napatingin ako dito. Nanginginig, para bang napapaso kapag tuluyan pa siyang makalapit.
Bigla niya itong binitawan at umatras, nangunot ang noo ko at dismayado ang kaninang nagpipiyestang karamdaman.
“I’ll just...a-answer your q-question earlier.” at naglakad na siya pabalik ng upuan, dismayado ang lahat maliban kay Zac na nututuwa at nangingiti pa.
“So who is your crush?” halata parin na dismayado ang tono ni Lai.
“S-si..” napatingin siya sa grupo namin. Nanlisik ko siyang tinignan habang nakatayo parin ako dito. Kay Zac siya nakatingin kaya mukhang alam ko na ang kasagutan. Wala pa mang lumalabas sa bibig ay alam ko na ang sasabihin niya.
“CR lang.” paalam ko kay Amiel na nakatayo parin.
Naglakad na akong palayo pero naririnig ko parin sila. Hanggang sa...
“Si Zacharri.”
Si Zacharri
Napatango nalang ako at umiling din sa sariling nararamdaman. Nasasaktan pero walang karapatan.
Natapos ang gabing iyon at panibagong araw nanaman.
Food trip along the sea ang ginawa nila, may nagluluto, kahit pwede namang mag order nalang, may nagbabalat ng mga lulutuin at may nagswiswimming din naman, pansin kong magkasama si Brielle at Zac sa pag iihaw ng barbeque, nagtatawanan at may magandang usapan.
Nakakaselos yun.
Pero dahil para sa kanya ang bakasyon na ito, hahayaan ko nalang. Basta’t masaya siya okay lang kahit hindi ako ang dahilan nito.
Nakakaselos pala talaga kapag nasanay kang ikaw lang ang malayang nakakalapit sa taong yun, at ang makitang may kasamang iba at mukhang masaya pa, nakakasakit sa damdamin.
“Tiisin mo brotha, alam kong may gusto ka sa kanya kaya mo inutos ang vacation break na yan. Sayang nga lang at malayo dito yung gf ko, hmm.” alam ko namang may gf si Aeron na taga US pero Pinay din. Yun din ang dinadalaw niya kapag.
“Okay lang, mukhang masaya naman siya. Yun naman ang importante sa akin.”
Totoo yun. I will not force her to like me back.
Just like what I’ve said, I realized that I'm inlove with her... And I am falling in love with her more.
I'm afraid but I will face my fear.
__
Brielle’s POV
NATAKOT ako, yun ang totoo kung bakit hindi ko itinuloy ang pagyakap kay Dwayne. Dahil ang totoo dumating na ang kinatatakutan ko.
Ngayon ko lang aaminin pero matagal ko ng nararamdaman at iniiwasan. At hindi ko kakayanin pa kung tuluyan na nga akong mahulog ng mag isa! Lalo na at walang kasiguraduhan. Alam kong walang pag asa at alam kong may mahal siyang iba, doon pa lang nasasaktan na ako, pilit na itinatago, pilit na dinededma, pilit na inaalis pero kahit anong tanggi, kilala ko ang aking sarili. Hindi na ako makapagsisinungaling pa.
I fear, I fear in loving him.
I fear, I fear of being hurt.
Kaya habang mas maaga, mas madaling iwasan ang nararamdamang ito.
Kinausap ko si Zac tungkol doon, alam kong hindi tama ang gamitin siya pero sinabi kong ayaw ko lang na makayakap si Dwayne. Alam kong hindi sapat na dahilan pero ayos lang naman daw yun.
Mas naging okay ang samahan namin ngayong araw, kanina pa siya nagbibiro at nagpapatawa habang nag luluto kami ng barbeque.
Aaminin kong masaya naman ako, lalo na noong salo salo kaming kumain ng tanghalian. Pagkapatapos non ay niyaya akong lumangoy ni Laila. Nakapag bonding kami sa gitna ng dagat dahil para kaming mga bata na naghahabulan!
Pero ang totoo masaya ako, kaya nag papasalamat ako kay Aeron at naisipan niyang magpa office break para sa amin.
Norga Island, ito talaga ang isang lugar na nasa travel list ko. Kaya masayang natupad ito ngayon, dahil kay Aeron. Kaya thankful ako sa kanya.
May kung ano sa akin ang nalulungkot lalo na noong hindi ako pinapansin ni Dwayne. Mas lalo na noong nakita kong magkausap sila ni Yannie habang magkaharap sa nakaduyan.
Naalala ko tuloy noong nasa ancestral house nila kami. Magkatapat kaming dalawa ni Dwayne noon, at saulo ko pa ang mga titig at ngiti niya.
Pero nakakatakot talaga ang pakiramdam na ganito.
Gabi na at nasa tabing dagat lang kami. Nagkakantahan, may videoke kasi. Nag iinuman naman ang ilang mga lalaki, sumali ang ilang babae na sina Fanny, Genin, Ellise at syempre si Yannie na katabi mismo ni Dwayne.
“Hi everybody.” bati ng isang maganda at mestisang babae ka edad lang din siguro ni Yannie ito. Siya iyong balibalitang ipinagkasundong ipakasal kay Dwayne pero tinanggihan niya. Kapatid siya ni Zac sa pag kakaalam ko, actually this last week ko lang nalaman.
“P-pumunta ka pa pala?” sarkastikong pambungad ni Yannie na ikinagulat naman ni Lizbeth(name nong kadadating lang).
“S-si Dwayne b-ba ang ipinunta mo?” nagulat ako sa derestsong pagtatanong ni Yannie.
“Tsh, you're over acting, takot ka ba na makuha ko siya sayo?” malamig na tanong ni Lizbeth pero alam kong naasar siya “Im here to chill so don't worry there. Lasing na nga madami pang sinasabi.” halos pabulong na ang pagkasabi niya sa huling salita.
So ano ito? Reunion ng mga nagkakagusto kay Dwayne? Bigla akong nairita at ang kaninang sayang naramdaman ko ay napalitan ng takot at lungkot.
Hindi dapat ako naaapektuhan sa ganito kababaw na dahilan.
“Oh see? Maganda ang chemistry nilang dalawa, sinasabi ko sa inyo!”
Napaangat ulit ako at nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanilang dalawa. Nakasandal si Yannie sa balikat ni Dwayne, at ang kamay naman ni Dwayne ay nasa likod ni Yannie, hinahagod nito ang likod ng babae, parang pinapakalma pagkatapos masuka si Yannie, naiintindihan kong napadami na sila sa iniinom, pero konti palang ang nainom ni Dwayne.
Nasasaktan ako. Lagi niya akong tinititigan dati pero ngayon at nandiyan si Yannie, sa kanya nalang natuon ang atensiyon niya. Dahil ba mas matagal silang magkakilala kaysa sa akin?
Kumikirot ang puso ko sa hindi ko matanggap na dahilan, natatakot ako at hindi ko alam kung paano ito labanan at iwasan.
Sa mahigit tatlong taon ko siyang nakasama, marami akong naramdaman sa kanya na hindi ko pa naramdaman sa kahit sinong lalaki. Noong una, siguro dahil boss ko siya? Pero ngayon, may kung anong sinisigaw itong puso ko.
“Let’s go. Ihahatid na kita.” narinig kong anyaya ni Dwayne kay Yannie, seryoso ito at bakas ang pag aalala niya kay Yannie, nangingiti naman at nakakapit sa braso niya si Yannie. Dahil doon, tuksuan ang inabot nila sa grupo.
Mas lalong kumirot ang puso ko noong yakapin ni Yannie ang braso ni Dwayne. Kitang kita ko naman ang dahan dahang pag alalay niya kay Yannie na para itong isang babasaging bagay.
Para akong extra karakter sa isang eksena. Lahat ng viewers nasa kanila, at walang pakealam kung aalis man ako sa eksenang ito. Dahil hindi naman ako ang bida, isa lamang akong sekretarya na pwedeng pwedeng tanggalin sa eksena.
Fears wrapped inside me, I shouldn't feel this what so called thing. Hindi pwede. Ayaw kong magaya kila papa at kay Hyanich. Pero paano kung simula palang ay nasasaktan na ako? Konting bagay lang naman iyon, normal lang para sa mag kaibigan pero bakit ganon?
Naisip ko palang ang pagyakap ni Yannie at pag alalay ni Dwayne, nasasaktan na ako. Paano na kaya kapag nasa iisang lugar na sila? They can do whatever they want. Hug, kiss, talk, and emote...I don't ca--. No, I care. Dahil nasasaktan ako.
Ngayon ko lang namalayan na naglalakad na pala akong mag isa at napalayo na ako sa cottage kung nasaan ang grupo, patuloy ang aking paglalakad sa madilim na gabi dito sa tabing dagat. At naramdaman ko nalang ang pagtakas ng sunod sunod na mga luha mula sa aking mga mata.
“I said, I don't really care...” sandali akong natigil at kinausap ko ang aking sarili habang kaharap ang dagat at ang kalahating buwan.
“Pero bakit ganito...”
Dali dali kong pinalis ang aking luha, pero patuloy parin ang pagbuhos nito. Kinukusot ko ang aking mga mata habang humihikbi ako.
Kung bakit ngayon ko pa ito naramdaman, sa taong wala pang kasiguraduhan.
Dwayne...
Naglakad ulit ako habang pinapalis ang aking mga luha, pero ilang hakbang pa lang ay natigil na ako noong may humigit sa palapulsuan ko.
Isang matinding kabog ulit ang naramdaman ko.
Gamit ng kanyang kamay, dahan dahan niya akong iniharap sa kanya, at laking gulat ko noong nakitang si Dwayne ang nasa harapan ko.
“Anong ginagawa mo dito?” tinanong ko yun habang takas na takas ang aking mga luha.
Pero hindi siya nagsasalita, nanatiling madilim at seryoso ang titig niya na parang galit na galit sa hindi ko malamang dahilan.
“Dapat nandon ka kay Yannie! Hinatid mo siya diba? Nag aalala ka sa kanya, at gusto ka din naman niya, bakit hindi nalang kayo mag usap na dalawa!” napasinghap ako ng hangin at tumitig sa kanya. “Doon ka na! Hindi kita kailangan dito.”
“Why are you acting like this Brielle? Kasi hindi ko maintindihan.“
Napayuko at napailing ako sa tanong niya.
“I’m not assuming but I'm not a fool, Brielle. Bakit ganyan ka kung makapagreact?”
“Akala ko ba si Zac yung nagugustuhan mo, pero bakit bigla ka nalang nag walk out at umiyak?”
Iniwas ko ang tingin at yumuko ako, pero makulit si Dwayne.
“Tell me...”
Umiling ako kasabay ng pagdaloy ng mg luha.
“Please tell me, kung hindi baka tama ang iniisip ko.”
Pakiramdam ko, konti nalang ay mabubuking na ako sa sunod sunod na katanungan niya. Wala akong maidahilan, walang ibang kasagutan na pumapasok sa utak ko. Wala. Walang iba kung hindi ang...
“Baki---”
“Dahil dumating na ang araw na kinakatakutan ko!” pagputol ko sa tanong niya, alam kong alam niya iyon. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. At ipagpapasalamat ko kung nakalimutan niya ang ibig kong sabihin.
“At wala kang pakealam kung madurog man ako ngayon! kaysa mahulog ng tuluyan at habang buhay na masakt--“
Pero sa halip na sagutin ako ay bigla niyang hinila ang palapulsuan ko, tumama ako sa kanyang dibdib at dahan dahan niya akong ikinulong gamit ang kanyang matitigas na braso. Mahigpit na yakap ang natanggap ko habang humihikbi at lumuluha sa kanyang dibdib.
“Naghihintay lang naman ako Brielle. Naghihintay akong maramdaman mo rin ang matagal ko ng nararamdaman...”
Tiningala ko siya, seryosong seryoso.
“Dahil gusto kita. Gustong gusto kita. Hindi ko na kakayanin pa ang mawala ka sa buhay ko. Hindi bilang secretary. I like you as a woman, a girl, a lady. At ang makita kang nasasaktan ay ikinadudurog din ng puso ko, Brielle. Kaya hindi mo ako mapigilang mag alala, dahil bukod sa gusto kita...Mahal na kita.”
Nanlambot ang aking mga tuhod at napatigil ako sa paghikbi, dahan dahan kong prinoseso ang lahat ng sinabi niya.
Gusto kita...
Mahal na kita...
“And because I fell in love but you fear in love, I want you to face your fear with me. Let's fall and fear in love together.“
“Let’s fall, because we’re both falling inlove with each other... And let's fear, because we fear of losing each other.“
Parang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Hinahaplos ng salitang binitawan niya ang kaninang durog na puso ko. Dahan dahan siyang kumalas at tumitig siya sa aking mga mata.
Pinalis niya ang luhang lumalandas at nginitian niya ako.
“Stay in love, okay?”
Dahan dahan akong napatango at tumitig sa kanya bilang kasiguraduhan. Alam kong mahaharap ko lahat ng kinakakatakutan ko kapag siya ang kasama ko.
Nakakatuwa nga lang dahil pati sa unang pag-ibig, siya pa rin ang kasama ko.
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 8/15 (Fall and fear) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.21.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |