Brielle’s POV
Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nararamdaman niya. Parang nananaginip lang ako, at kung panaginip nga lang yun ay sana hindi na ako magising pa.
Nasa hapag kami ngayon at nakuha ko namang makipagtawanan sa biruan at tuksuan nila Genin at Amiel. Malakas ang hiyaw ni Lai at Fanny na parang kinikilig sa ginagawang pagsubo ni Amiel kay Genin.
Naramdaman kong inakbay ni Dwayne ang kanang kamay niya sa silyang inuupuan ko. Magkatabi lang kami ng upuan, at mukhang hindi naman halata sa grupo ang nangyari sa amin kagabi.
Ilang sandali pa’y inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko “Kumain ka ng marami para tumaba ka.” he whispered and chuckled a bit.
“Ayokong tumaba, not now and never.”
Pero sa halip na sagutin niya ako ay nangingiti niyang pinisil ang pisngi ko! Ewan ko kung napansin ba ng mga kasama namin yun.
Kilig ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon?
Nasaan na yung dating iritado at distracted sa love? Hello! Nandito pa ako, kailan mo ako dadalawin? Ako na yata ang mababaliw kakaisip dito e, samantalang noon, inaasar ko siyang nababaliw sa pag ibig.
“Tara na, ngayon lang naman, please?” narinig kong pinipilit ni Genin si Amiel na subukan ang zip line.
Naiwan kasi kaming anim nila Amiel, Genin, Lai, Fanny, ako at si Dwayne habang nag jetski naman ang karamihan sa amin. Gusto kasi ni Lai at Genin itry ang zip line. Nainggit si Genin kaya lahat sila ngayon at nag reready na sa pag akyat.
Kaya ko ba ngayon iyan? Sasamahan ba ako ni Dwayne na harapin ang isa pang bagay na kinatatakutan ko? I wonder how it feels to fly like a bird peacefully and enjoying the views!
“Tara? Let's face your fear together.”
Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya. Dali dali niyang hinawakan ang aking mga kamay at sumunod na ako sa pag akyat, bawat hakbang papataas ay natatakot ako lalo na at kitang kita ko ang nasa ibaba. At pakiramdam koy konting kamali lang ay mahuhulog na ako, kahit alam kong protektado naman ang mga bakal na hagdan dito.
I held his hand tightly, at siguradong ramdam niyang kinakabahan ako. Paano pa kaya mamaya? Mamayang nasa zipline ako? Dala-dalawa ang pwedeng sumakay.
Naramdaman ko nalang na isinusuot na sa amin ang kailangan naming suotin, hanggang sa pumwesto na kami sa magkabilang pwesto.
“Ready?” tanong ni Dwayne at tumango lang ako. “Don’t worry, I will hold your hand and if you fall, we will both fall, I'll be there to protect you.”
At dahan dahan na kaming pinakawalan ng mga crews dito. Unti unting nawala ang aking kaba at napalitan iyon ng saya habang magkahawak kamay kaming dalawa, parang ibon...masaya at malaya naming pinagmasdan ang naggagandahang tanawin ng Norga Island, maraming tao ang nagsasaya sa baba, lumalangoy at nag eenjoy. Ang berdeng kapaligiran na nakapalibot sa bughaw na karagatan at ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aming mga balat. Parang nakikisaya din ang araw sa nararamdaman ko ngayon.
Habang sinasalubong namin ang malamig na ihip ng hangin, napatingin ako kay Dwayne na tuwang tuwang nakatingin na rin sa akin.
“Do you liked it?” halos pasigaw niyang tanong sa akin.
Hindi pa rin natanggal ang ngiti sa aking labi habang nakatingin lamang sa kanya.
“Sobra!” sigaw ko habang nakatingin parin sa kanya “Salamat Dwayne!”
“I love you, Hannah Brielle!” mas kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. May kung anong emotional na nararamdaman ang puso ko.
Pero higit sa lahat masayang masaya ako.
“WU-HOOO!”
“WOOOOAAAAH!”
We both screamed in excitement, nervousness and a mixture of different feelings while we both feel we're falling down.
We're like a bird in the sky, feeling each moment with happiness as we peacefully fly!
Masayang masaya ako hanggang sa nakababa na kami, pati ang pagtahak ng hagdan ay nawala na ang takot ko. Nang tuluyan na kaming nakababa ay ramdam ko pa rin ang saya!
Walang pag aalinlangan akong lumapit kay Dwayne at niyakap siya.
“Hindi ko pa naranasan lahat ng ito, sayo lang.” buong lakas kong sinabi iyon at naramdaman kong niyakap na niya ako pabalik.
“Gagawin ko lahat, sasamahan kitang harapin ang kinatatakutan mo. I will make you happy too.”
Dahil sa tuwa ay lumandas ang ilang butil ng luha mula sa aking mata. Kailan pa ako naging malambot at naging emotional? Ngayon lang kapag si Dwayne ang kaharap!
Nang sumunod na araw ay namasyal kami sa kabilang Island gamit ang yate ng mga Gomez, kaybigan daw nila ang may ari ng hotel na tinutuluyan namin kaya free naming gamitin ang yate nila.
Noong sumunod na araw ay nag scubba diving kami. Isa siguro ito sa hindi ko malilumutang chapter ng buhay ko, ang makasama si Dwayne.
“Let’s dive together.” aniya at inilahad sa akin ang kanang kamay niya. Kinuha ko naman iyon at sabay kaming sumisid sa malalim na tubig. Iminulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang tinatagong ganda ng Norga Island, ang naglalakihang corals, ang mga iba't ibang kulay at uri ng isdang nagkukumpulan at naglalangoy at ang pinong buhangin sa loob ng karagatan.
Akala ko buong linggo akong maiinis, akala ko hindi ako mag eenjoy, pero nandon si Dwayne sa linggong iyon kaya natuwa at sumaya naman ako.
“Huy! Umamin ka na nga!” pangungulit sa akin ni Laila habang nagluluto ako ng ulam naming dalawa.
Isang araw na ang lumipas pagkatapos ng vacation break na yun. At ngayon, kinukulit niya ako kung kami ba ni Dwayne?
Hindi ko alam kung kami ba o hindi. Ang alam ko lang pareho naming gusto ang isat isa.
“Huwag kang mag deny kasi halata kayo noong nasa Norga Island tayo. Ah! Hindi lang sa Norga, pati noong hindi pa tayo pumupunta ron, may kung ano sa tinginan ninyong dalawa!”
Nangingiti ako pero hindi ko parin siya sinagot. Nagtatampo na raw siya pero hindi ko parin magawang aminin.
“Huy! Oi! Hannah Brielle Fernandez!” nagugulat at sunod na sunod ang katok ni Lai sa pintuan ng kwarto ko.
“Bakit?” sigaw ko.
“Si Sir Dwayne!” bigla akong napatigil sa pagsusuklay at pinag buksan si Lai ng pinto. “Nasa labas siya! Hinahanap ka,” pero imbis na sumagot ay agad ko siyang pinag sarhan ng pinto at dumiretso ako sa salamin upang i check ang sarili. Naglagay ako ng konting powder at lipstick.
Naalala kong, pinangako niya palang ihatid at sunduin ako, tumanggi ako noong una pero ayaw niyang mag taxi ako papuntang office. Mas safe daw kapag sa kanya nalang ako sasakay.
“Good morning.” nakangiting pagbati niya sa akin.
“Good morning din.” sabi ko pero napako ang tingin niya sa maliit na study table sa may gilid ng sofa.
Oh gosh!
Nagkalat pala ang mga make up at mga accessories ko doon.
At naalala ko, pagkatapos akong kulitin ni Lai ay nag practice akong mag make up. Wala lang, trip ko lang. Hahaha!
“Sayo to?” turo niya sa mga accessories ko doon. Nakita kong iyong hikaw na walang pares ang tinuturo niya.
Napangiti ako noong may naalala sa hikaw na yon. Sutil din pala ako noong bata ako eh. Haha.
“Bakit mo tinitignan yan?” nangingiting tanong ko habang inaalala ang araw na yon. Bata pa naman ako noon. “Bakla ka ba?” natatawang tanong ko kay Dwayne at natigilan siya.
Paalam sa pares ng hikaw na iyon.
Nanliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pero ilang minuto lang ay lumabas na kami ng condo at nagtungo sa sasakyan niya.
“Ang aga mo naman. Nag hihinala na si Laila sa atin.” sabi ko habang inayos ang seatbelt na ayaw mag paayos. Pero halos malagutan ako ng hininga noong magkalapit na ang aming mukha, konting galaw ko lang mahahalikan ko na siya!
Inayos niya yung seatbelt ko at inilayo rin ang sarili niya. Pero kitang kita ko ang pangingiti niya. Nairita ako nang marinig ang mahinang tawa niya.
“Sanayin ko na ang makita kang natitigilan at namumula, Baby.”
“What? Baby?!” salubong ang kilay ko habang tinatanong yon!
“Why not? Baby Brielle?” mas nairita ako sa pagtawag niya ng baby! Ang pangit para sa akin. Chaka!
“Mukhang ayaw mo, o sige, honey nalang.” aniya at nilingon ako sabay kindat!
Wala akong naisagot kundi ang pangungunot ng noo.
“Alam mo? Ang pangit mo kabonding eh no?”
At mas humagalpak na naman siya sa tawa! Ang isang kamay ay nasa manobela ngunit ang isa ay nakatakas, kinurot tuloy ako sa pisngi!
Hindi tuloy ako nakapagsalita sa pamumula. Patuloy ang pang aasar sakin ni Dwayne hanggang sa marating namin ang VSI building. Akala ko hihintayin niya ako noong nakababa na siya pero hindi, pinagbuksan pa ako ng pinto, inalalayan akong bumaba!
“Good girl.” aniya nong nakababa na ako. “Let’s go?” aniya at inilahad niya ang kamay sa akin.
“Tsk tsk. Baliw ka talaga no? Mamaya kung ano pa ang sabihin nila sa atin.” pagrereklamo ko.
“Ikaw kasi, binabaliw mo ako hehe.”
“Dati ka ng baliw! Don sa ex mo...” halos pabulong na ang pagkasabi ko noong huling salita. Nagsisi tuloy ako, totoo bang mahal niya ako? Kung oo, kailan pa nagsimula?
Broken hearted siya noong dumating ako, nakita ko siyang nag lasing at nasaktan pero ewan ko kung kailan siya naka move on? Nasasaktan ako para sa sarili ko. Mahal niya ba talaga ako?
Hindi ko namamalayang nasa harapan ko na pala siya, inangat niya ang aking baba para magtama ang paningin namin. Ang kaninang nakangiting mukha ay napalitan ng seryoso at madilim na titig.
“I will prove to you how much I love you. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo so don't worry.” aniya at isang mainit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya.
“Let’s go?” aniya at tuluyan na kaming pumasok at sumakay sa elevator nang magkahawak ang kamay!
Nang tuluyan na naming narating ang 17th floor at pumasok sa office, nagulat ako na halos walang paper works sa mesa! Nasaan na ang bultuhang papel dito?
“Nasan yung mga papel na iniwan ko noong nakaraan?” tanong ko.
“You think magdedeclare ako ng one week vacation na hindi natatapos ang office works?" taas kilay niyang sagot at naupo na sa swivel chair niya. “Maupo ka na, ako ang tumapos sa mga papel na yon habang nandon ka at pinagbibintangan akong nag eenjoy kasama si Yannie.”
Naalala ko noon kung ano ano ang konklusyon ko noong naiwan siya dito. Pero eto pala ang ginawa niya habang nauna kami sa Norga.
Pero sandali... siya ang nag declare ng vacation? Akala ko ba si Aeron.
“Thank you, Dwayne.” malambing ang pagkakasabi ko non ha! “Sorry sa abala, nalulungkot din kasi ako last week.”
“You’re always welcome. Tsaka hindi ka abala para sa akin. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nalulungkot.”
“For today, you will just rest an-”
“Hindi pwede,” agap ko “Dwayne, hindi pwede! Tama na yung ginawa mo noong nakaraan.”
“Pero--”
“Please Dwayne, don't give me an especial treatment at work. Gagawin ko parin kahit mahirap ang trabaho, don't give me an exemption, please?”
“I just want to-”
“No, please?”
Hindi ako sanay sa special treatment at hindi rin pwede yun porke may kung anong special na ang namamagitan sa amin? Hiwalay ang trabaho at personal na nararamdaman, yun ang gusto ko.
Matunog siyang bumuntong hininga at saka sumuko na.
“Okay, you say so...”
“Thank you!”
Ganon ang naging eksena namin maghapon, binibilhan niya ako ng special ensaymada at isang mainit na coffee para sa meryenda at nagpaluto na rin siya ng lunch para aming dalawa sa opisina. Hinatid niya naman ako pagkatapos ng work at ipinagtataka naman iyon ni Laila kaya napaamin na ako ng wala sa oras.
Dumaan ang isang linggo at laging ganon ang eksena, pero naidagdag ang coffee date namin, hindi na kami sa opisina nag memeryenda, sabay kaming mag coffee at kumain sa labas. Minsan pumapasyal kami sa Quins Park at nakikipaglaro sa mga bata, nakakatanggal pagod din pala yun.
“Yeah, he admit it!”
“Talaga? Sino naman sana ang maswerteng GF ni sir Dwayne?” halos matigil ako sa paglalakad noong narinig ko ang mga iyon. Galing ako sa office nila Lai at narinig ko ang usap usapang iyon.
Dali dali akong pumasok sa office namin ni Dwayne at kinakabahan ako baka lumabas ang isyung nagdadate kaming dalawa! At ano? May gf siya habang nagdadate kami?
“Usap usapan na may GF ka? Totoo ba? May gf ka pala tapos dinedate mo pa ako?” syempre ngayon lang nanaman ako magtataray kaya sulitin ko na.
“Care to explain? Inamin mo daw na may GF ka na! Tapos dinedate mo pa ako!”
Pero sa halip na sumagot ay may multong ngiti ang lumandas sa bibig niya. Para bang relax at nag eenjoy pa siya habang ako, nag papanick na!
“Anooo?!“
“Relax, baby.” aniya habang nilalapitan ako at tumapat sa harapan ko.
“Relax? Paano ako makakapagrelax ngayon at narinig kong may GF ka pala! At ano mo ako?”
“Shhh.“ aniya habang nangingiti pa rin. “Don’t get mad okay?” dagdag pa niya habang nakatingin sa aking mga mata “Nirereto ako ni Amiel sa pinsan niya, maganda naman pero hindi ko siya gusto, pinipilit ako pero ayaw ko, sinabi kong may GF ako kaya natahimik na sila hehe.”
“At sino naman ang imaginary GF mo?” tanong ko at napanguso nalang siya.
“She’s not imaginary because you are real.” aniya seryoso siya “Ikaw lang ang gusto kong maging GF at ikaw lang ang gusto kong pakasalan.“
Halos malagutan ako ng hininga pagkatapos niyang bitawan ang nga salitang iyon. Napakurap-kurap ako sa gulat.
“Am I too fast? Kasi, Brielle, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo. And I'm willing to do anything just to prove it to you.“
Sigurado na rin ako sa nararamdaman ko pero natatakot ako para sa amin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya.
“Pero paano ka? Paano ang kumpanya?”
“They can't put me down, because I'm living my life with the punishment I made years ago.”
Anong ibig niyang sabihin?
“Remember that I refused to marry Lizbeth, Zac’s sister. Dahil mahal ko pa dati si Yanyan. They put down my position in this company from CEO to Vice President. Pero ayos na sakin ang pagiging VP, nasanay na ako kahit gustong gusto ko ang pagiging CEO, sana.”
Parang may kung ano ang naiinggit sa akin kay Yanyan. Ang lalaking iniwan niya ay nagsakripisyo para sa kanya. Malaking sakripisyo iyon kung tutuusin. Ganun niya kamahal si Yanyan.
“Mahal na mahal mo talaga si Yanyan.“ I concluded “Pwede mo namang pakasalan si Lizbeth ngayon upang maging CEO ka ng VSI.“
“Minahal ko siya, noon. Pero matagal na akong nakamove on sa kanya.“ sandali siyang napatigil. “Oo, pwedeng pwede kong pakasalan si Lizbeth dahil naka move on na ako kay Yanyan pero hindi ko nagawa, bakit hindi ko magawa? Yun ang tanong ko, hindi ko maamin noon ang dahilan pero isang araw narealize kong dahil mahal na kita. Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko, at ikaw yun Hannah Brielle.“ bigla akong naluha sa sinabi niya. Alam kong seryoso siya.
Pinunasan niya ang luhang tumatakas gamit ang kanyang hinlalaki.
“How about you, Brielle? Sigurado ka na bang mahal mo ako?” he asked.
Sa unang pagkakataon wala akong naramdaman na takot sa pag amin dahil iba ang kinakatakutan ko “Oo, mahal kita. At natatakot ako dahil baka darating ang panahon na iwanan mo ako, at baka darating yung time na balikan mo ang unang pag ibig mo.”
Biglang kumalabog ang dibdib ko sa takot at kaba habang iniisip ang huling sinabi ko.
“Hindi madaling kalimutan ang unang pag-ibig, Dwayne. At natatakot ako para sa sarili ko.”
“Pero nagawang lagpasan iyon ng pagmamahal na naramramdaman ko para sayo, Brielle. Dahil ikaw lang ang laman nito” sabay turo niya sa puso niya. “At dahil mahal kita, hindi kita iiwanan kahit kailan, hindi kita ipagpapalit ninuman, dahil kung hindi ikaw, hindi ko kaya.” aniya pahina at pahina ang boses niya.
“Pero ano tayo? Nagmamahalan tayo ngunit hindi ko alam kung anong papel ko sa buhay mo Dwayne.”
“I want to be officially yours. I want you mine. I want to be your boyfriend officially. Will you let me?”
Ano pa ang dahilan para tumanngi? I love him and we are going out together. Kulang na nga lang ang label, at ngayon nilalagyan na niya ang label ang namamagitan sa aming dalawa.
May kung anong kaba akong nararamdaman, may kaunting takot pero lamang ang pagkatuwa sa sinasabi at pinaparamdam niya. Umangat ang gilid ng aking labi, hindi ko napigilan ang pagtakas ng aking mga ngiti. Naiinis ako sa sarili ko dahil nanghihina ako pag dating sa kanya.
“Oo na!” sigaw ko.
“Hmm? Napilitan?” sabi nito,
Paano ba ang hindi napilpilitan? Kaylangan bang malambing?
E-e ne! Sege ne! Peyeg ne eke?
Yaaaks! Ganun ba? Pabebe! Yacks!
“Hindi! Oo na boyfriend na kita." Sabi ko at nangiti na rin siya sabay yakap sa akin. Ginulo niya ang tuktok ng buhok ko, pero inayos at hinahaplos niya rin ito.
“Good, because I wanna marry you so soon”
“Agad agad?”
“Matagal na kitang mahal, so wag ka ng magreklamo.”
“Tssh.” napanguso nalang ako sinundot ko ang tagiliran niya at hinampas ang braso niya.
“Tara na, uwi na tayo. BABY.”
“Baby? Bakit parang mukhang badoy?”
“Syempre badoy para sayo, pero pag nasanay ka na, hanaphanapin mo ako niyan.” sabay ngiti at kumindat sa akin, umirap nalang ako pero agad na niyang pinagsiklop ang mga daliri namin.
“Let’s go, baby. I will take you home.” aniya sabay ngisi, siya na rin ang kumuha sa shoulder bag ko at magkahawak kamay kaming lumabas ng opisina hanggang makarating kami sa parking lot. Pero hindi kami nakaligtas sa tuksuan ng mga employees kanina, they were all gossiping about us cause they saw us holding hands together.
Pinagusapan namin ang ibat ibang kliyente kanina habang nagdadrive siya. Nasabi ko naman na sa kanya ang tungkol kay mama, at sinaggest niyang mas mabuti kung kausapin ko si mama at sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman. Tama siya.
“Thank you sa paghatid.” sabi ko nang nakarating na kami sa condo. Kinalas ko ang seatbelt at bumaling sa kanya.
“Thank you lang?” may mapaglarong ngiti sa kanyang labi “Wala bang goodnight kiss?” aniya pero ikinagulat ko naman. Pero pisngi naman niya ang itinuro niya kaya medyo nabawasan ang kaba ko.
“Huwag na! Kailangan pa ba yun?”
“Oo naman, boyfriend mo kaya ang poging ito.” aniya sabay turo sa kabuuan ng mukha niya. Pero mas natawa ako sa itsura niyang parang bata na nakabusangot!
“Eh?”
“Eh?” panggagaya niya “Dali na!” aniya at mas inilapit ang pisngi sa akin. Dahil sa pagmamadali ko agad kong ginawa ang gusto niya, mabilis na dumampi ang labi ko sa kanyang malambot na pis-
Pingi nga ba ang nahalikan ko?
Kainin na ako lupa ngayon na!
Ang sutil na Dwayne! Iniwas niya ang pisnge niya kaya labi ang nahalikan ko!
“Good night, baby.” aniya habang nakangiti!
“You!" Turo ko sakanya! “You stole my first kiss!”
Pero hindi siya nagsalita! Bumababa siya at pinagbuksan ako ng pintuan, dali dali akong bumaba at nag lakad palayo, namumula ang pisngi at nahihiyang tignan siya.
“Goodnight!” sigaw ko ng nasa malayo na ako. Tinatanaw parin niya akong papasok ng condo.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, at napahawak sa labi ko. Napapikit nalang ako sa kahihiyan. Kinakabahan ako pagkalabas ng elevator.
Pero pagkapasok ko sa condo ay tumambad sa akin ang isang magandang babae, matangkad at pang beauty queen ang ganda.
“Hannah Brielle!” ang malambing niyang sigaw sa pangalan ko. Dali dali siyang lumapit at yinakap ako ng mahigpit!
“Hyanich Marrie...” usal ko sa pangalan niya at niyakap din siya pabalik.
Namiss ko siya buti at dumalaw siya.
“Namiss na kita!” aniya
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong kaba, hindi lang basta kaba. May halong takot na hindi ko maintindihan kung bakit.
“May offer sakin dito sa Pinas, and I decided to accept that, and I just want to check on someone.”
Alam kong ex niya ang tinutukoy niya, pero bakit may pakiramdam akong hindi ko dapat maramdaman. May kung ano ang nag lalaro sa isip ko, hindi ko lang masabi kung ano yun.
Parang puzzle na pinagtatagpi-tagpi ko pero hindi ko magawang mabuo dahil natatakot ako.
Natatakot akong...
Hindi naman siguro, mukhang imposible.
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 9/15 (Boyfriend) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.22.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, so happy if you're reading. Thanks a lot.
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗