Araw ng Biyernes, tamang-tama dahil sa natapos na matiwasay ang munting ating munting patimpalak.
Sa totoo lang, hindi ako masyado umasa na may sasali dahil sa mahirap magsulat ng Tagalog sa ating mga blog. Akala ko ay makakatipid na ako ng 10 Hive pero nagkamali ako 😢
Gayun pa man ay masaya ako dahil sa suporta na aking natanggap sa mga sumali. Nahirapan ako sa pagpili dahil tatlo lang naman ang pagpipilian. 😃
Narito ang mga nanalo sa unang patimpalak:
Ang bituin na para lang sa akin.
Isang araw na nagpahinga si Kupido.
Kung hindi mo pa nababasa ang kanilang mga akda, mangyari lamang na suportahan sila sa pamamagitan ng pagbasa at pagbibigay ng komento. Pwede din ang upvote dahil hindi pa naman lumalagpas ang pitong araw
Ang mga premyo ay naipamahagi na sa mga nagwagi at antabayanan ang susunod na anunsyo sa bagong prompt.
Muli maraming salamat sa tumangkilik at harinaway' mas dumami pa ang magsulat sa wikang Tagalog.