Zac’s POV
The whole afternoon was warm and it makes me sweat everytime I sit inside my office, even though I have an air conditioner inside.
Almost half of the employees at VSIB are gossiping about Dwayne and Brielle as they saw them holding hands and going out together.
Lalaki rin ako at alam kong matagal nang may pagtingin si Dwayne kay Brielle. Hindi naman kataka takang mahulog ang loob nila sa isa’t isa sapagkat pareho silang ma appeal at maganda rin ang ugali nilang dalawa. Each employees have a big respect to both of them. Baka tsaka lang nila naamin ang nararamdaman nila noong nasa Norga Island kami, I'm not a fool para hindi napansin ang kilos nilang dalawa.
“Sir, you have a visitor.” sabi ng sekretaria ko sa kalagitnaan ng pag iisip.
“Let him in.” sabi ko
“Sir babae po.”
“Just let her in! Babae o lalaki papasukin mo nalang!” i said, napapahiya naman siyang lumabas.
But, when the door opened, my eyes even got wider as I saw who is coming! She's the model I’ve been emailing for the past months! Dahil tinanggihan ni Gaira ang offer para sa kanya, nag hanap ako ng International model, she's famous in France, Japan, London, Switzerland and some countries but not here in Philippines.
She's really that beautiful that even in just one glance you will conclude that she's a model.
Napatayo ako at agad na lumapit kay “Miss Hyanich Marrie Satulan.” gulat paring naiusal ko. Is there a possibility for her to accept our offer?
“Mr. Zacharri Sison.” nakangiting aniya dali dali akong naglahad ng kamay.
“Nice to finally see you Miss Satulan.” nakangiting sambit ko sapagkat nararamdaman kong iyon ang sadya niya.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang pag uusap namin, she asked about our products kung anong klase ng mga damit at sabon ang imomodel niya kung sakaling papayag siya at ang manager niya na hindi niya naman kasama.
“So you're saying that I'm gonna work with two companies? I thought the soap and fashion industry are just one company.”
“No, the companies of these two industries are both partners. But not as one company. VSI and S-FI are famous companies here in the Philippines so if you’ll accept our offer it could be a win-win to both of us.” I said, she nodded as she slowly got what I mean.
“But why did you choose me? I'm not famous here in the Philippines.”
“Because our target customers are those people in Abroad, especially those filipinos living in there. But of course, you will easily rise here in the Philippines since we are famous here. That's why we need you, because you are famous there, in abroad. So just like what I have said, it’s a win-win deal.”
Sa ilang oras na pag uusap namin ay nakumbinsi ko na siya. All I need to do right now is to introduce her in our company. I called Dwayne and I updated him about Hyanich approval.
Dwayne scheduled a meeting with the board member, and some business partners of course, especially us.
_
Dwayne’s POV
Ako na siguro ang pinakamasayang Vice President sa mundo ng negosyo. Akalain mo yun, napakaraming papel ang ireview, basahin at kailangang aprobahan. Pero nakukuha ko pang ngumiti kahit pagod na.
Syempre naman, kaharap ko yung inspiration ko.
Tumawag kahapon si Zac at ibinalitang ayos na at napa-oo na niya ang modelong ipinagmamalaki niya. Kaya nagpatawag ako ng meeting with board members, mamayang 2 pm pa iyon.
Napatingin ako kay Brielle na busy nanaman sa pagtatype. Dahil tapos naman na ang trabaho ko, naisipan kong maupo muna sa harap niya.
Staring at her this so close makes my heart happy and it makes me calm too. I am tired but she's my comfort.
“You’re already tired...” hinuli ko ang kamay niya para matigil muna siya pag tatype. “Let’s go, and have a coffee outside.” anyaya ko.
“Sinasanay mo ako, mamaya hanap hanapin ko ang kapeng yun sa buong buhay ko." Aniya at natigil na sa patatype, nag stretching siya saglit at bumaling sa akin.
“It’s okay, I will make sure let's go together though haha.”
“Tsss!”
Gaya ng dati, magkahawak kamay kaming lumabas ng office, she doesn't like it at first but because I’m crazy and sweeter than her, I always hold her soft hand as we walked together.
VSI employees were probably guessing or gossiping about us, it doesn't matter for me since I want to finally make it official.
And yes I'm sure. Really sure that she's the one. Ibang iba ito sa naramdaman ko kay Yanyan noon, yes I loved her but not as deep as these feelings toward Brielle. 3 years of being my secretary and feels like I'm already married, as I have said.
I laughed at my thoughts. Yeah 3 years, totoo yun para na nga akong kasal sa kanya. So why not turn it to reality? Napangiti ako.
I need assurance before I will do that. Well she said she loves me so? Marry her then. Hehehe.
Mababaliw na ata ako, baka nga mamaya matakot siya saakin dahil masyado akong mabilis!
“Mamaya kung ano anong sabihin ng iba sa ginagawa mo!” sigaw niya sa akin habang sinusubuan ko siya ng special cassava cake.
“Don’t think about them.”
“Ang lapit lapit mo kaya.”
I chuckled a bit while watching her panicking with my closure.
“Diba sabi ko sa yo let's make it official?”
“Oo nga!” natigil siya, “Ganto ba yun?”
“Uhm, my girl is really innocent, haha.”
Ang makitang namumula siya sa harapan ko ay isang nakakapagpalambot puso na. Akalain mo yun, ganon na pala ang epekto ko sa kanya.
Sakin ka lang ganyan ha.
_
Brielle’s POV
Simula noong umuwi si Hyanich, minsan lang siya nagpakita sa akin dahil may aasikasuhin daw siya.
“Naalala mo noong nasabi ko sayong parang may umaaligid sa akin?” tanong ni Lai habang kumakain kaming dalawa.
“Yup, kumusta, hanggang ngayon ba sumusunod pa rin sayo?”
“Not oftenly, but I caught her yesterday so I asked her. I planned not to tell you as she asked me to do but...”
Sandali naman akong natigil sa pagkain, mukhang alam ko na kung sino.
“I think you need to know, it's your right to know.”
“Sino yun?”
“Nagpakilala siya bilang Delia Sison, sabi niya kailangan ka raw niyang makausap...at alam mo kung ano pa ang ipinag tataka ko?”
So all this time si mama pala ang umaaligid?
“Ano?” tanong ko kaagad.
“May kausap siya sa phone, sabi niya ‘We really need to tell her, Carlos. It's her right to know. Sige come here in Manila, you can stay in our house, Winbert will be happy to see you again.’ Yun ang narinig ko!”
Napakurap-kurap ako roon! Laila didn't know that Delia is my mother. At ang ipinagtataka ko ay kung ano ang kailangan nilang sabihin sakin.
Alam kong ako ang topic nila sa usapang iyon. Pero akala ko ba wala ng connection si papa at mama? At ano nga ulit yung narinig ko?
Winbert will be happy to see you again?
Kailan pa naging magkasundo ang magkaribal?
Yun ang iniisip ko hanggang ngayong na sa office ako. Pero dahil magaling si Dwayne, natuon na naman sa kanya ang atensyon ko mula office hanggang coffee shop.
He is sweet and caring, kabaliktaran naman sa akin. Siguro kailangan ko nang masanay sa kanya.
It's already 1 pm, Dwayne is resting, probably sleeping at the sofa. Habang ako naman, naghahanda para sa meeting mamaya, kung tutuusin siya pa dapat ang mas maghanda pero anong ginagawa? Natutulog siya, pero ayos lang basta makapagpahinga siya. Nangingiti ko siyang pinagmamasdan habang nagsusuklay ako ng buhok.
Mula sa bagsak at medyo magulo niyang buhok, sa makapal niyang kilay at mahahabang pilik mata matangos na ilong at mapupulang labi hanggang sa perpektong hugis ng kanyang panga.
I can't believe that he is my boyfriend now.
Kanina pa pala ako nangingiti dito, umayos ako mula sa pagkakaupo at naglagay ng konting lipstick at powder sa mukha.
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang meeting, kailangan ko ng gisingin si Dwayne.
“Dwayne...wake up, ilang minuto na lang at magsisimula na.”
“Hmmm.” aniya at unti unting idinilat ang kanyang mga mata, kinusot niya ito at tumitig sa akin ng naka ngiti. “It’s good to wake up like this, yung ikaw ang unang makikita.” aniya at mabilisan akong nahalikan sa noo.
“Bangon ka na diyan!” tumayo naman siya pero gulong gulo ang buhok kaya inayos ko ito. Napansin ko ang necktie niyang magulo kaya inayos ko rin ito. “Magpahinga ka nalang ulit mamaya, okay?”
“Yes baby. I love you.” nakangiti ngunit napapaos niyang sabi, napangiti ako don ah. Di nakapagtago hehe. “Wala bang I love you too diyan?” pagpaparinig niya at nangingiting inirapan ko na lang siya.
“Please?”
Parang dinudurog ang puso ko, bakit kailangan pa niyang mag makaawa para sa ‘I love you’ ko? Mahal ko siya, oo. Pero dahil ba hindi lang ako sanay hindi ko na masasabihan ng ganun?
He is always sweet and caring when it comes to me, even though I'm his secretary and he’s more sweet and caring now, since I became his girlfriend.
“I love you too...” mahinang sabi ko pero malawak na naman ang ngiti niya “...Baby.” dagdag ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya!
Ekkk? Nakokornihan ako sa sinabi ko pero yun ang dahilan para mamula nanaman ako na parang hinog na kamatis! First time kong sabihin yun sa kanya, pati yung baby! Anubaaa...
“Ah-oh, namumula ka na.” dahil sa sinabi napayuko nalang akong nanguguso! “Tara na, baby.” inaasar niya ata ako? Ginagaya ba naman yung tono ng pagtawag ko ng baby sa kanya! Nakakahiya talaga.
Inayos ko na ang Ipad, notes at sling bag ko, ganun din siya may kinuha siya folder sa table niya. Pero noong palabas na kami ng office nangingiti pa rin siya! Mas lalo na noong hinuli niya ang isang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Wala na akong nagawa, hindi nakapag protesta ang masungit na Brielle, basta nagpatianod nalang ako sa kanya.
Mood swing, mag sungit sungitan ka na Brielle! Dalian mo!
Biglang may pumasok sa isipan ko at ayaw ko ng dugtungan kung ano pa man yun. Biglang nag iba ang pakiramdam ko habang tinatahak namin ang daan papuntang meeting with international model. Bigla akong kinabahan, hindi naman ako ang magpapameeting.
“Ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan ka ba?” mahinang tumawa si Dwayne. “Don’t worry, S-FI (Sison’s- Fashion Industry) will just introduce the model and she will be signing the contract with VSI and S-FI.”
“Hindi naman...”
“Good.”
Hindi pa rin binitawan ni Dwayne ang kamay ko, marami siyang sinasabi habang naglalakad kami, nagkwekwento siya kung paano raw siya inaasar ni Aeron sa akin, kung paano siya tinutukso ng mga male employees niya noong inamin niyang inlove siya. Dahil doon sa pagkwekwento niya nawala yung kabang kanina ko pa nararamdaman. Ewan ko ba kung saan ako kinabahan, kataka taka naman.
Napapangiti at napapaililing na lang ako habang kinuwento niya kung paano ko raw siya napasaya, at kung paano niya kagustong makasama ako habang buhay.
Pero bigla nalang siyang natigil sa pagkwekwento at paglalakad, saktong nasa tapat na kami ng room kung saan magaganap ang meeting. Nag angat ako ng tingin at laking gulat ko nang makita ko si Hyanich sa harapan ko.
Si Hyanich ang pinsang kong model ang kinuha nila sa SFI at VSI?
She's wearing a formal dress with it's red color and she's holding her black gucci wallet. Beside her is Zac, escorting her inside the office. Kapansin pansin ang ganda niya sa tindig, tangkad at mukha at sa kulay ng balat niya talagang masasabing pang modeling ang beauty.
“Hyanich!” gulat paring tawag ko sa pinsan ko. Alam kong isa siyang famous model sa ibang bansa at alam niya rin na isa akong secretary ng vice president sa isang kilalang kompanya sa Pilipinas, nga lang hindi namin alam na magtatagpo kami ngayon.
May kung anong pakiramdam ako, heto na naman yung ayaw kung hungkatin na katotohanan.
Hindi agad siya nakapagsalita alam kong gulat na gulat din siya pero may kung anong malaking question mark sa kanyang mata.
“Cuz...” pagtawag niya saakin pero nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Dwayne.
“M-magpinsan kayo?” Zac asked her and she nodded as her reply.
Pero hindi natanggal ang titig niya sa aming dalawa ni Dwayne. Huli noong narealize kong magkahawak kamay pala kami ni Dwayne. May kung ano sa loob kong nakokonsensya sa di malamang dahilan. Napatitig si Hyanich sa kamay naming dalawa, naramdaman kong lumuwag ang pagkahawak ni Dwayne doon. Bakit? Anong nangyayari?
Napatakip sa bibig si Hyanich nang hindi inaalis ang titig sa kamay naming dalawa.
Dwayne...
“Alfie...” mahinang usal ni Hyanich na ipinagtataka ko naman. Kailan pa nagkakilala ang dalawa? “OH MY GOD!” sigaw niya sa hindi malamang dahilan. “Brielle? Insan, what’s going on?!” nag angat siya ng tingin sa akin at kitang kita ko ang naguguluhan niyang mukha... “Oh my god! You're dating a married man!”
Married man? Ako naman ang naguluhan, nag angat ako ng tingin kay Dwayne at kitang kita ko kong paano siya lumunok at nagugulat sa eksenang ito.
Ang puzzle ay unti unting nabubuo...
Hyanich...
Hindi kasal si Dwayne dahil ang totoo ay tinanggihan niya ang makasal kay Lizbeth dahil iba ang mahal niya, si Yanyan ang babaeng mahal ni Dwayne at hindi alam ni Yanyan na hindi natuloy ang kasal ng dalawa.
Sa hindi pa nakukumpirmang kasagutan, biglang nanlabo ang paningin ko. Nasasaktan ang puso ko at natatakot ako sa patutunguhan ng unang pag ibig ko. Nag angat ako ng tingin sa pinsan kong tumutulo na ang luha mula sa kanyang mata.
Yanyan? Sa utak ko nalang iyon naitanong, dahil ang kaninang lumuwag na hawak ni Dwayne sa aking kamay ay tuluyan ng nabitawan, binitawan ni Dwayne ang kamay ko.
Dahil bago pa makatalikod si Hyanich ay nahila na siya ni Dwayne sa siko, dahilan para matigil si Hyanich.
“Yanyan...”
“What in the world is happening right now!” gulat na gulat si Zac.
Ang kaninang mga katanungan ay biglang nasagot. Tila ba unti unting nabuo ang isang puzzle na nasa utak ko, na siya namang ikinadudurog ng puso ko.
I'm a fool.
Paanong hindi ko nalaman na ang pinsan kong Hyanich at ang ex niyang Yanyan ay iisa?
Because I'm a fool, a big fool!
May kung anong pakiramdam ako noon pero ayaw kong malaman ang kasagutan.
Biglang nanlambot ang buong katawan ko, umagos ang aking mga luha at basang basa na ang aking pisngi. Nasasaktan ako habang nakikita si Dwyane at Hyanich. Nasasaktan ako at naaawa para sa aking sarili dahil napakabilis kung bitawan ni Dwayne ang aking kamay. Dahil ba si Hyanich naman talaga ang mahal niya?
Isa lamang akong hamak na extra character sa isang kwento, my life in love is just a chapter without epilogue. Dwayne and Hyanich are the main characters and I'm just a chapter of their love story.
Muntikan na akong matumba dahil sa panlalambot, buti nalang at may humigit sa aking baywang at inalalayan ako. Hindi ko alam kung paanong nasa tabi ko na ang kaninang nasa tabi ni Hyanich, si Zac. Isang yakap ang natanggap ko mula sa kanya, pero hindi ito matatanggal ang sakit na aking nararamdaman.
“Let me explain everything...” si Dwayne kay Hyanich
Sa sandaling ito, naramdaman ko kung paano ako kadaling iwanan...
I’m a fool who fears in love yet I tried. I'm a fool for loving my cousin's ex boyfriend. I'm a fool for not knowing my speculations about them, I'm a fool for everything...
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 9/15 (Boyfriend) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.22.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗