Dwayne's POV
I'm still in shock, after 5 years of being far from her and we met in this kind of situation? Where our company hired her as a model? I know that my feelings toward her are not the same as my feelings in the past. I love Brielle more than Yanyan now. And who would think that they're cousins? Really!?
I fall in love with another woman yet it's her cousin?
Alam kong may idea na si Brielle, tungkol sa aming dalawa. Nararamdaman kong nanlalamig na ang kanyang kamay, pero dahil nagmamadaling umalis si Yanyan ay nabitawan ko na ang kamay ni Brielle, agad akong naglakad papunta kay Yanyan at marahang nahila ko ang braso niya para matigil at upang kausapin at linawin ang ibang bagay sa kanya.
Hindi ko kayang patagalin pa ito, dahil kung hindi ko pa to gagawin ngayon, alam kung mas masasaktan si Brielle, kaya habang mas maaga, lilinawin ko na ang lahat kay Yanyan.
Isang nakikiusap na tingin ang binigay ko kay Zac, alam kong naintindihan na niya iyon.
“Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko.” aniya at naglakad patungo kay Brielle.
Pasensiya ka na Brielle, kailangan ko munang gawin to.
“O my god!” hindi matigil ang gulat na expression ni Yanyan habang nakaupo kami ngayon dito sa coffee shop, alam kong pati siya ay naluha kanina, hindi ko alam kung para kanino.
“I’m sorry.” unang naiusal ko, dahil una nasaktan ko din siya. “Sorry kung nasaktan kita dahil nalaman mong ipapakasal ako sa iba, totoong minahal kita at wala akong fiance noon, they only wanted me to marry someone for our company. And I didn’t want that.”
“What do you mean?” she asked
“That I declined their offer to marry Lizbeth Sison, because I loved you. In exchange, they changed my position in our company from CEO to Vice President. That's because I chose you.”
Her eyes widened after she heard what I have said. “You mean, you're not married?” I nodded as answer but her question didn't stop there “So you mean...you still love me? Until now?” may kung anong umaasa sa kanyang mga mata pero kailangan kong sabihin ang totoo sa kanya. Kailangan kong linawin ang lahat lalong lalo na ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Pero bakit hindi mo ako hinanap? If you really love me back then, ginawa mo na sana ang lahat para mahanap ako, sa yaman mong yan? Alam kong malaki ang impluwensya mo, at madali lang para sayo ang hanapin ako pero bakit, bakit ngayon lang tayo nagkita? Bakit hindi mo iyon ginawa?”
“It’s because I was thinking about you and the space you need. But that's my question too. If I really love you, I can do whatever just to find you.”
“Pero anong ginawa mo?”
“I'm really sorry, Yanyan. Sorry for hurting your feelings.” I said huskily. “But I'm not sorry for falling in love with your cousin, I thought at first that I was waiting for you. But then no, I realized that I'm waiting for her to fall for me too.”
“Ang kapal naman ng mukha mo, it seems like you were not affected by our break up!”
“I was hurt, really hurt Yanyan, when you broke up with me, and Brielle witnessed that.”
Pero hindi siya sumagot at isang malutong na sampal ang natanggap ko galing sa kanya “You sacrificed but you didn’t find me! At ngayon, pinsan ko naman ang minamahal mo?”
I nodded as my reply.
“Well, prove to me then.” aniya, tumayo siya kinauupuan at naghahanda ng umalis “I don't believe you, maybe you just used her as your pass times. I know you love me until now.” She confidently said and walked closer to where I'm standing now. Then she planted me a soft swift kiss! I swallowed hard and I was stunned not because I liked it but because I hate it at naiinis ako sa halik niya, kung noon baka kinilig pa ako, pero ngayon, hinding hindi. At nakonsensya ako dahil kay Brielle lang dapat yun.
“See? You're still in love with me, you let me kissed you?”
“Nabigla lang ako.” I said but she's just smiling like crazy in front of me. “I think you need to go.”
“I don't have my car, I left my manager inside your building, so, can you drive me home?” I know we both need to go home.
I'm thinking about Brielle? What happened to her? I hope she didn’t misunderstand what I did earlier. Because I just want to talk and clear things with Yanyan and I think Yanyan got my point already. She just doesn't want to accept it.
“See? You still care about me, you can ask your driver to send me home instead but you didn't.”
“Its because I'm not rude, Yanyan. I'm just being friendly to you, I hope you understand.”
Pero sa halip na sumagot, ngumiwi siya at nailing pa.
__
Brielle’s POV
Zacharri stayed by my side the whole afternoon, from 2pm until now, 4 pm. Alam niyang nasasaktan ako, tahimik lang siya at hindi niya ako iniwan, ang alam ko lang ay tinutulungan niya si Lai na maghanda ng hapunan namin.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi ko inakalang mag ex ang pinsan ko at ang lalaking minamahal ko. Sobrang sakit pala non. At alam kong mahal parin ni Yanyan si Dwayne hanggang ngayon, base sa reaksyon niya kanina.
Ngayon, mas iniisip ko ang nararamdaman ng pinsan ko, at alam kong gagawin ko ang lahat para sa kanya. Dahil alam kong una pa lang, minahal nila ang isa’t isa at sumingit lang ako sa eksena, siguro ngayon, kailangan ko ng itama ang lahat. Kailangan kong ibalik sa dati ang lahat, kung saan empleyado ako at boss ko siya. Boss na iba ang babaeng mahal.
Hindi ko kailanman matatapatan ang unang pag ibig, kaya kahit natatakot ako, kailangan kong labanan ito, kailangan kong harapin ang takot ng mag isa.
Dahil ngayon… desidido na ako.
Pero sa kalagitnaan ng pag iisip ay biglang may sunod sunod na katok sa pintuan. “Brielle! Brielle, lumabas ka muna.” si Lai iyon.
Bumaba ako sa kama at pinagbuksan siya ng pintuan “Bakit?” mahinang tanong ko, alam ni Lai ang nangyari, inamin ko sa kanya ang lahat, nandon si Zac kaya narinig niya rin ang lahat.
“Si papa mo, nasa sala. Kararating niya lang.” sandali niyang tinignan ang kabuuan ko at napailing “Inutusan ko si Zacharri na bumili ng ulam at meryenda na rin sa labas, nakakahiya don sa kaibigan mo haha.”
“Bakit ngayon pa bumisita si papa?” humarap ako sa salamin at nakitang mugto ang mata, wala na ang kaninang mga luha pero halatang umiyak ako. “Ayos lang ba?” tanong ko sa kabuuan ng mukha ko.
“Uhm medyo hindi naman halata na umiyak ka, parang puyat lang kung tutuusin.”
“Sige sunod ako don.”
Medyo malawak naman ang condo kaya hindi nila nakikita kung nasaan ang kwarto at kusina, malayo ako sa sala kaya hindi niya ako nakikita.
Pero bakit ngayon pa? Ngayon pang nasasaktan ako?
“Anak!” sinalubong ako ni papa ng isang mahigpit na yakap. “Namiss kita Brielle, anak.” niyakap ko din ng mahigpit si papa dahil ang totoo kahit nasasaktan ako ngayon, namiss ko rin siya sobra, ilang buwan na kaming hindi nagkita, pero patuloy rin naman ang communication namin through skype or VC.
“Namiss din kita papa!” pagkasabi ko. Pero sa halip na sumagot siya ay napahikbi siya, naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya “Pa, bakit po?” nag aalala kong tanong.
“Patawarin mo ako anak...” hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni papa. Pero bakit nasasaktan ako? Hindi dahil kay Dwayne. Para kay papa. “Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay mahal na mahal na mahal kita.” natigil ang luha ko kanina, pero dahil sa sinasabi ni papa ngayon, biglang tumulo ang ilang butil ng luha. “Mahal na mahal kita, Brielle. Patawarin mo ako.”
“Pa!” halos isigaw ko yun, nabasag ang boses ko “Bakit po kayo nagsasalita ng ganyan?” nabibiglang tanong ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito ang sinasabi ni papa ngayon “M-may sakit po ba kayo papa? Huwag naman pong ganyan papa, gagawin ko lahat upang magamot kayo kung may sakit po kayo. Huwag naman po kayong magsalita na parang namamaalam na po kayo.” hindi ko na napigilan ang paghikbi ko dahil ang butil na mga luha ay nag uunahan sa paglabas.
Pero tanging sorry lang ang sinasabi ni papa. At hindi ko maintindihan yun. Hindi pa nakakalas ang yakap ko kay papa nang muling may kumatok sa pinto, pinagbuksan ito ni Lai at ang akala ko ay Zac lang yun. Pero hindi, nagtataka at nagugulat ako kung bakit nandito si mama at si Mr. Winbert, ang mag-asawa, at ang ipanagtataka ko ay may kasama silang isang lalake, matangkad, maputi, naka all black suit at may salamin sa mata, mukhang ka edad din ni papa hindi ko mabasa kung anong ang reaksyon sa kanyang mga mata. Nakita kong naguguluhan din si Lai, pinanatili niyang naka bukas ang pinto kung sakali mang may iba pang darating.
Pero bakit? Parang wala lang kay papa ang makitang magkasama si mama at Mr. Winbert? Nakita ko pa ngang seryosong nagtanguan ang dalawa. “A-anong nangyayari?” sa wakas ay naisakatinig ko ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko.
“Mama?” sa unang pagkakataon makalipas ng ilang taon ay natawag ko ulit siyang mama pero tanging pag iling lang ang naisagot nito at naglakad papunta sa akin upang mayakap ako ng mahigpit. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan pero ramdam ko ang higpit ng yakap niya.
Napatingin ako sa lalaking naka eyeglass pero blanko pa rin ang kanyang mukha, hindi niya ata inalis ang paningin sa akin. Sino ba ang isang ito?
Kumpare ba ni papa? Kaibigan ni mama? Bakit kailangang nandito siya? At bakit may ganito nanamang eksena?
“Papa? Mama? Please, be direct to the point! I don't understand you both, bakit parang okay naman kayo ni mama, papa? Alam na alam ko pa kung paano ka nasaktan dahil sa kanya! And now, I saw you even smiling at him?!” itinuro ko ang lalaking dahilan ng hiwalayan ni papa at mama.
Pero hindi pa rin nagsalita si mama o si papa, inalalayan akong maupo ni Mr. Winbert sa sofa at wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
“Please! Answer me, ma, papa?” para akong bata na nanghihingi ng kasagutan mula sa magulang. “Ma! Pa!” hindi ko napigilan ang pag taas ng boses ko sa kanila.
“Hindi ba’t mahal na mahal mo si mama” itinuro ko si mama na nakaupo ngayon sa tabi ko, nananatiling naka tayo ang mga tatlong lalaki, “Hindi ba’t sobra kang nasaktan noong iniwan ka ni mam-”
“Hindi saakin nasaktan ang papa mo noong panahon na yun, Brielle.”
Napa Kurap-kurap ako don, anong ibig niyang sabihin?
“A-ano?”
“Hindi ako ang babaeng yun, si Maila yun.”
“Sinong Maila? At bakit nasali ang strangherong tao sa usapang pampamilya?” usapang pampamilya pero bakit may kasamang estranghero? Yung naka black suit with eyeglass.
“Bakit? Kayo yung nakita kong magkasama mama, papa, at paano pong si Maila ang babaeng iniiyakan ni papa?”
“Dahil noong oras na nawala ako, namatay si Maila. Pumunta akong America upang asikasuhin ang burol ng iyong tunay Ina.”
Iyong tunay na Ina.
Iyong tunay na Ina.
Hindi ako tunay na anak ni mama? Hindi ako anak ng kinilala kong Ina, si Delia Sison?
“H-hindi mo ako anak?” my voice cracked after saying those words. My heart beats so fast and I couldn’t even hear what they are saying now, because before I could think again,
everything turned into black.
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 9/15 (Boyfriend) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.22.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗