Brielle’s POV
It's not easy to adjust with my new environment. From Philippines to United States is a real big adjustment.
“I’m happy that you're enjoying your stay here.” panimula ni Tito Anthony.
Mag iisang buwan na noong umalis ako ng Pilipinas. Ang sabi ko noon kailangan ko ng space para sa sarili. Oo hanggang ngayon kailangan ko yun. Pero kailangan ko ding makilala pa ang tunay kong ama, kaya hindi ako ang alinlangan sa offer ni tito Anthony na mag stay dito sa US kasama siya. Kaya ngayong araw, bumisita kami sa bahay ng kanyang ina, mayroon din dito ang ilang mga pinsan ko, nakilala ko na sila noong unang punta ko dito sa bahay nila lola.
“Buti nalang po talaga at tanggap ako nila Carol, James, at Nicolas bilang pinsan nila.”
“Syempre naman, noong nalaman nilang may anak pala ako, natuwa sila, exicited nga itong si Carol noong nalaman niyang pupunta tayo dito, bukod kasi kay Nico at James wala na siyang ibang ka bonding, may friends pero iba pa rin pag pinsan. Madalas pa namang lumabas ang tatlong yan tapos mag isa lang ni Carol na babae kapag. Haha! Kapag boys talk na raw, hindi na siya na maka sali sa usapan!”
Napangiti nalang ako habang nagkwekwento ang natatawang si Tito Anthony. Sa maikling panahon na nakasama ko sila Carol, James at Nico, masasabi kong pinakafriendly si Carol, pinakaseryoso si James at pinakamadaldal si Nico.
“Kung nag asawa po sana kayo tito, baka po mas madaming pinsan sina Carol.”
Bigla siyang nagseryoso pero may ngiti pa rin sa labi. “Your mother Maila, is my first and last love. I don't think I can love again if it's not your mother.”
Napangiti nalang ako at napatango. Naalala ko tuloy si Dwayne. Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya sila ni Hyanich?
Parang kinukurot ang puso ko habang iniisip na masaya silang dalawa.
“Uhm, kailan mo kaya ako tatawaging Daddy?" medyo natawa si Tito Anthony pero alam kong seryoso siya. “Pero ayos lang, hindi kita pipilitin anak,” aniya at ngumiti.
Ilang araw kong pinagisipan iyon, ang totoo niyan, gusto ko siyang tawaging daddy, pero nahihiya ako.
“Hindi ba’t nagtrabaho ka noon sa Velasco Soap Industry?” tanong ni Carol habang umiinom ng juice. Nakaupo kami ngayon dito sa sun lounger sa tabi ng pool habang nagswiswimming naman sina Nico at James.
“Oo.” sagot ko habang inaalala ang ilang sandali namin ni Dwayne noon. Napailing din ako habang iniisip yun.
“Alam mo bang sikat na ang company nila dito sa US? Lalo na at nilabas nila ang bagong klase ng sabon?”
Alam ko yun, dahil yun ang isang dahilan kung bakit kinuha si Hyanich bilang model sa company nila.
“At ang magkapatid na yun lalong naging famous sa mundo ng negosyo!” sandali siyang natigilan at biglang nalungkot ang mukha, napainom naman ako ulit ako sa pineapple juice ko “Mas lalo tuloy akong nalungkot, mas dumami tuloy ang nagkakagusto at umaaligid sa lalaking yun ngayo-”
Bigla akong naubo sa sinabi ni Caroline!
Si Dwayne ba?
“Eh ano naman kung madaming umaaligid?” biglang tanong ko.
“Lah! Normal lang magselos kapag boyfriend mo yung pinapaligiran no!”
Mas naguluhan ako sa sinabi niya… may boyfriend siya? Si Aeron o si Dwayne?
“Ay! Hindi ko nga pala nasabi sayo na kami ni Aeron Velasco hihi.” namumulang sabi niya kaya naiwan akong nakanganga!
“B-Bf mo pala yun?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo, private relationship nga lang. Mag 2 years na kami this month and we decided to make it public.” nakangiti siya habang nagkwekwento kaya alam kong masaya siya sa relasyon nila.
Alam kong mayaman din ang nga Bergonia at kilala din sila sa business world bilang Bergonia’s Agri-Biz. Kilala ang company sa mundo ng agrikultura dahil dito nanggagaling ang ibat ibang uri pananim at ang mga bagay na kailangan sa agriculture. Dito din nangagagaling ang ibat ibang teknolohia na ginagamit sa pananim at paghaharvest.
Lumago ang ang negosyong ito dahil kay lolo, pero patay na siya. Mas lumago ang negosyong ito noong nakapangasawa ang panganay na kapatid ni tito Anthony ng isang spanish boy, papa ni Nico at James. Yun ang dahilan kung bakit sikat at malago dito sa US ang BAB (Bergonia’s Agri-Biz).
Kaya hindi rin kataka takang magkakilala ang mga Velasco at Bergonia sapagkat isa sila sa mga sikat na business persons sa Pinas at maging sa ibang mga bansa.
“Alam ba ng parents mo?" Tanong ko sa kay Caroline.
“Of course. Ang media lang ang hindi nakakaalam haha.”
Oo nga pala, ang malalaking tao na kagaya nila ay maraming nag aabang sa buhay nila.
Pero sandali, naalala kong tinatanong pala ako ni Tito Anthony, kung pwede daw ba saakin na mainterview para sa isang magazine.
“Kailangan ko pa po bang gawin yun?”
“Nagtatanong ang media anak e, at hindi ko naman kayang itanggi na wala akong anak kay Maila.”
“Ganon po ba, sige po pag isipan ko po.”
“Salamat anak.”
“Welcome po dad.”
Dad?
Napansin kong nagulat si dad sa sinabi ko. Unti unting sumilay ang kanyang ngiti at maluha luhang tumitig sa akin.
“It is your first time to call me dad. I'm so happy anak.” Aniya at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Masaya din ako sapagkat natawag ko siyang dad.
Sa dalawang buwan ko dito sa US, narealized ko na isang susi para maging masaya ay…
Acceptance.
Lumipas ang isang taon at mas nakilala ko si Daddy. Mabait talaga siya at nagiging strict lang siya pagdating sa negosyo, though he’s not the CEO of the family’s company but still he cares about the business.
Minsan mag isa akong lumalabas para magkaroon ng time sa sarili at nakatulong din yun sa akin upang tanggapin ang totoong ako. Pero hindi ko makalimutan si papa, si papa Carlos. Sa isang taon ko kasi dito sa US isang beses lang siyang nakadalaw, at patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad noon.
Naiintindihan ko naman na ngayon kung bakit nila nagawang mag lihim sa akin, mahirap noong una pero kalaunan ay natanggap ko naman lahat.
Ang totoo niyan napatawad ko na sila pero hindi ko pa rin nasasabi sa kanila.
“Sure ka bang isasama mo pa ako sa lakad mo?” tanong ko kay Carol habang papasok kami sa isang elegante ngunit pribadong restaurant. Pang mayaman talaga ang looks nito.
“Syempre naman, nandito na nga tayo oh!”
Parang korean restaurant ang style nito. May mga rooms for private persons at mukhang doon kami pupunta ni Carol.
Excited na excited si Carol habang naglalakad kaya nahuhuli ako sa kanya. Agad niyang binuksan ang room kung saan nakareserved na ang lahat. Nandon na rin si Aeron! Hindi ako nagkamali at magkikita na naman sila.
Agad na nagtama ang tingin namin ni Aeron at tumango at ngumiti lang siya pero sinalubong ni Aeron si Carol ng isang mahigpit na yakap at halik. Gusto ko tuloy mag walk out! Bakit sinama pa ako ni Carol!
Nauna na akong umupo at sumunod naman sila.
“How’s your stay here in US?” tanong sa kin ni Aeron.
“Mabuti naman, it helps me to find myself again. How's VSI?” pag iiba ko ng topic
“Ayos patuloy ang paglago, kaya mas dumami ang trabaho.” nangingiti niyang sabi at bumaling na ulit siya kay Carol, nag usap ang dalawa at feeling ko, naoop ako.
“Good evening, sorry I'm late.” halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko pagkatapos marinig ang boses na iyon! Hindi ako pwedeng magkamali, si Dwayne yun!
“Oh! Hi Dwayne! Sana pala sinama mo yung GF mo!” pagbati ni Carol na siya namang ikinagulat ko.
“Hi! Nice to see you again, Carol.” aniya at naramdaman kong umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko!
Teka nga! May GF na siya? Gusto ko tuloy itanong yun pero nakakahiya! Anong karapatan kong magtanong?
Baka nga sila na ni Hyanich?
At kung sila, wala akong pakealam no! Kaya ko nga siya iniwan para makipagbalikan na siya sa first love niya.
“Brielle, si Dwayne kapatid pala ni Aero--”
Hindi pa natatapos si Carol pero biglang natawa si Aeron.
“Babe, she was Dwayne’s secretary before!” gusto kong tumakas nalang sa kahihiyan. Hindi ko nga pala na kwento kay Carol na secretary ako ni Dwayne.
“O my god! Magkakilala naman pala kayo!” at doon lang ako nag angat ng tingin kay Carol na gulat na gulat ang mukha at si Aeron na natatawa, hanggang sa naibaling ko kay Dwayne ang paningin ko.
Salubong ang makakapal niyang kilay habang nakayukong naghihiwa ng beef steak sa plate niya. Abala siya sa ginagawa at hindi man lang niya ako binati kanina?
Ganyan na ba talaga kapag may GF ka? Hindi ka na namamansin?
Gusto kong isakatinig lahat ng tanong ko sa isipan, ngunit tikom talaga ang bibig ko.
“Teka powder room lang ako ha?” -Carol
“Samahan na kita, hehe.” si Aeron
Napatingin ako kay Carol, isang tingin na nakikiusap na huwag akong iwan dito. Pero ngumiti lang siya at sumenyas na mauna na!
Napapikit tuloy ako ng mariin habang ang tingin ay nasa pagkain!
Engot! Anong gagawin ko dito? Hindi pa naman namamansin ang isang nasa harapan ko.
“How are you?” ngayon at nagsalita siya, gusto ko na tuloy tumakbo palabas pagkatapos marinig ang boses niya!
Teka nga! Bakit nga ba ako umiiwas sa kanya?
Mahigit isang taon na kaming hiwalay at base sa narinig ko kay Carol kanina, may GF na siya at hindi na ako magtataka kong si Hyanich yun!
“Ayos lang naman.” ikaw kumusta? Sabing hindi ako interesado sa kanya tsk.
“I’m glad you're doing great. I heard that your relationship with your real father is doing great too.”
May paka chismoso na pala si Dwayne ngayon?
“Yeah. Doing great.” sabi ko at napatango nalang ulit ako.
Hindi ako sanay na makipag-usap sa kanya ng ganito ka formal.
“You didn't tell Carol about US, huh.” nag angat ako ng tingin sa kanya at napa awang ang aking labi. “Why?” dagdag pa niya.
Ang ikinakainis ko lang naman, kung paano siya umaakto ngayon na parang hindi naiilang sa nakaraan namin. Well ako lang naman ata ako ang affected sa aming dalawa.
“Kailangan pa bang ikwento yun?”
Pero hindi na niya ako sinagot, matunog siyang bumuntong hininga at nag iwas ng tingin sa akin. Napataas naman ang isang kilay ko sa inasta niya. Bakit mukhang disappointed, Dwayne?
Hindi ko rin naman alam na sa isang buwan na bakasyon nila Dwayne at Aeron dito sa US ay sa bahay nila Carol sila nag stay! Buong akala ko hindi ko na muling makikita at makakasama si Dwayne. Pero dahil kay Carol hindi ako makatanggi sa bawat invites niya. Minsan kasama pa sila Nico at James na hindi ko naman alam na ka close din pala ni Dwayne!
“Ganun ba ka strict si Dwayne bilang boss mo noon?” nagtaka naman ako sa tanong ni Carol
“Ha? Bakit mo natanong?”
“Eh kasi hindi man lang kayo madalas mag usap ngayon? Ibig sabihin strict siya noon kaya hindi ka naging malapit sa kanya?”
“Tsk,” napailing na lang ako ngumisi.
“Hmm sige, bahala ka na jan, pupuntahan ko pa si Aeron!”
At naglakad na siya papasok sa loob ng bahay nila at ako, naiwan sa balkonahe na mag isa, nilalanghap ang sariwang hangin habang iniisip si Dwayne.
Engot. Si Dwayne na naman?
Kasi nga, palaisipan sa akin kung sila na nga ba ni Hyanich?
Kalma Hannah Brielle Begonia, isang taon na ang lumipas at sa loob ng isang taon na iyon, madami na ang nangyari.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may isang kamay na may hawak na kape, nakalahad ito sa harapan ko “Coffee?” aniya. “Mukhang malalim ang iniisip mo ah?”
“Hindi naman.” malamig na sagot ko at kinuha ang kape na walang pasasalamat. Humigop ako mula sa tasa at… “Wow, nakuha ang timpla ko ah,” namangha ako don. “Paki sabi kay Caroline, salamat.”
“Huh?”
“Huh? Huhkdog?” panggagaya ko, pano ba naman kasi, hindi ba niya narinig ang sinabi ko?
“Ehh-
“Ehnghot.” pangagaya ko ulit. Hindi ko alam kung anong trip ko pero kasi, naiinis ako sa kanya. Bakit ba kasi to lumalapit pa? Para saan? Para ipamukhang tama ang naging desisyon kong iwan siya para mabalikan si Hyanich? At ako naman… patuloy na nasasaktan.
Lumaylay ang balikat ko habang sumimsim ng kape, napatitig ako sa kanya at nakita kong titig na titig siya sa akin, naniningkit pa ang mata niyang nakatitig sa akin.
Ganun ang naging eksena tuwing umaga sa bahay nila Carol. Palagi akong hinahatiran ng kape ni Dwayne sa balkonahe.
“Give me that, I'll carry it.” pagpresinta niya noong nakita niyang hawak ko ang dalawang bag na grinocery namin.
Kanina pa ako naiinis, kung bakit siya pa ang sumama sa akin dito sa grocery store. Pwede namang si Nico o James. Alam ko naman na hindi ako masasamahan ni Carol dahil busy siya kay Aeron, malapit na kasi ang kasal nong dalawa kaya pinaghahandaan nila ito.
“Ako na! Bakit ba kasi sumama ka p-- awwwttsss.” huli na noong narealize kong kanina pa pala ako nabibigatan at kanina pa matigas ang ulo ko na ayaw ipabuhat sa kanya ang mga binili ko.
Walang pasabi, agad niyang kinuha ang dalawang bag ng groceries at inakay ako palabas ng store.
Kumalabog ang puso ko dahil sa pagod pero ngayon ko lang napansin na nakahawak pala siya sa palapulsuan ko habang tinatahak naming dalawa ang daan patungo sa sasakyan.
Parang bumagal ang pag ikot ng mundo lalo na noong nakatingin lamang ako sa kamay naming dalawa. Namiss ko to. Namiss ko yung mga panahong kaming dalawa pa at malayang magkasama ng walang iniisip na iba.
Ngayon kasi, hindi ako komportableng kasama siya lalo na kapag naiisip kong sila ni Hyanich. Ano na lang ang sasabihin sakin ni Hyanich? Na sinasamantalala ko ang pagkakataon na sumama siya sa pagbisita dito sa U.S para kay Aeron at Carol?
Pero pwede bang hilingin na manatili kaming ganito kahit sa konting panahon lamang?
“Are you okay?” tanong niya. Doon ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng pintuan ng kotse ni Nico, (hiniram niya kasi).
Pero sa halip na sumagot ay napatitig ako sa kamay naming dalawa. Ramdam ko ang pag iingat sa hawak niya, na para bang isang babasagin ang hinawakan niya.
“Yang kamay ko, bitawan mo na.” deretsong sabi ko at baliw naman ako dahil alam kong pwede kong tanggalin yun ng hindi ipinapaalam sa kanya.
“Let go of your hand?” aniya pero napansin kong nakangiti siya ngayon. “No kidding way. I never let you go.”
Hindi ko maintindihan kong anong sinasabi niya kaya yun ang nakapagpagulo sa aking isipan hanggang sa naka uwi kami ng bahay.
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 13 (Let Go) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 03.02.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗