Dwayne's POV
It's been 1 year when Brielle left Philippines and I felt lonely dealing with that 1 year without her by my side. I didn't hire any secretary even dad and Aeron are insisted me to do it.
Naalala ko noong kaalis lang ni Brielle papuntang U.S, yun din yung time na nalaman kong taga U.S din pala ang GF ni Aeron, at kung pinapalad nga naman, si Caroline Bergonia pa, ang pinsan ni Brielle! Kaya naman...
“Such a stalker…” sinita ako ni Aeron noong isang araw na chinecheck ko ang kanyang soc-med accounts. “Ngayon at nalaman mo na pinsan pala niya si Carol, na mahal ko, anong reaksyon mo?” tanong niya na ito naman ang nagpanginsi sa akin.
“Masaya syempre.” sandali akong napaisip ng plano “Kaya sabihan mo ako kung kailan ka ulit pupunta sa U.S-” hindi pa ako natatapos sa pero may natanggap na akong batok mula kay Aeron.
“Brotha. Baliw na stalker, anong gagawin mo don? Magpapakita? Eh kaya nga pumuntang U.S yun para magkaroon ng time sa sarili at possibleng para mapalayo sa yo.”
“Oh, shut that mouth up. Syempre hindi, hindi ako magpapakita, I just want to see her.”
“Ano yun? Para kang kriminal na sumusunod sa isang dalaga? Hahahaha!” at dahil mabait ako ako, binatukan ko ang walang hiyang kapatid ko. I'm not a criminal, huh!
At ganon nga ang nangyari, sinasama siya ni Carol at Aeron kapag may pinupuntuhan silang pasyalan. Kasama din nila si Nico at James na kaibigan ko din naman, pero hindi ako nagpakita kay Brielle. I'm happy seeing her becoming happy again and accepting herself with her new family.
Ang plano ko kasi noon, magpapatulong kay Nico at James after 1 year para suyuin ulit si Brielle. Well, sisiguraduhin ko naman na okay na siya bago ako magpakita ulit. Pero dahil nga si Carol ang gf ni Aeron, mas ayos hehe.
“Ganon ka kabaliw kay Brielle? Ilang beses mo siyang sinundan sa U.S para lang masilayan siya?” si Hyanich, nandito siya sa office at mukhang heto ang ipinunta niya.
“Talagang hindi mo na nga ako mahal…” napatigil siya sa sinabi niyang iyon kaya wala akong nagawa kundi ang tignan lang siya.
Base sa napansin ko kay Hyanich nitong nakaraang buwan na nakasama ko siya dito sa VSI bilang model ng products namin, masasabi kong…
hindi na niya ako mahal, at nasasayangan lang siya sa relationship at sacrifices ng bawat isa sa amin kaya pilit niyang ibinabalik sa dati ang lahat. Pero wala na talaga e, kahit anong gawin niya, si Brielle lang talaga ang mahal ko.
“Let go of your hand?” tanong ko sa kanya habang nakatayo at nakahawak sa palapulsuan niya. “No kidding way. I never let you go.” hindi ko alam pero hindi ko napigilan ang sarili ko sa sinabi ko sa kanya.
She said she love me before she left me. She said she’s setting me free? Just because she knew that Hyanich is my first love?
Hindi ata matibay na dahilan iyon para makipagbreak siya sa akin. Hindi niya ako binigyan ng chance para patunayan sa kanya na siya na talaga mahal ko.
But because of her situation that time, I knew she needed space and that space includes our relationship together. So I gave her the space she wanted.
Succesfully, this time, I can see she’s happy with her family, with her dad, and with her cousins too.
Kaya noong nagplano si Aeron ng 1 Month leave, sumama ako, just to see Brielle again, and this time, hindi na ako magtatago.
I never let her go, and that is true.
After that awkward situation when I said ‘I never let you go’ yesterday, pansin kong medyo naguguluhan din siya.
“Coffee…“ alok ko nanaman sa kanya sa kanya, nasa balkonahe kasi siya. Nakaupo at nagbabasa.
“Thanks, paki sabi kay Carol, salamat ulit.” aniya.
Hindi naman si Carol ang nagtitimpla ng kape mo, ako yun. Ako lang naman ang may alam sa timpla mo… baby.
Gusto kong isakatinig ang nasa isip ko pero hindi ko magawa.
“Anong binabasa mo?” i enterupted her. Hehe ayaw pa naman niya sa disturbance.
“W-wala. Pwede ka ng pumasok doon sa loob." Sabay turo niya sa pinto paloob, dahil don mas nakita ko kung anong binabasa niya sa phone niya.
Abs-Cbn news, VSI company's Vice President, Dwayne Alfie Velasco admitted that he already have his girlfriend…
“Bakit mo binabasa yan?” tanong ko agad.
“Bakit? Nag popped up lang sa NF ko, hindi ko naman alam na usap usapan pala sa media na may GF ka.”
“Wehh? You sure?" Pang-aasar ko, ang alam ko kasi, sinearch niya yung article about sa gf ko. Medyo natawa ako sa iniisip ko ah.
“Oh eh anong tinatawa tawa mo jan?” angil niya. Nagsusuplada na ang manok ko, I mean baby ko. Hehehe.
“Nabasa mo na ba lahat?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Hindi pa, at wala na akong planong ituloy pa. Alam ko naman na si Hyanich iyon.”
“Okay…” tanging sagot ko at humigop na ako sa kape ko “You say so.” kibit balikat ko.
Lumaylay naman ang balikat niya at ininom na rin ang kape niya, pero sa kasamaang palad, hindi niya ata naihipan kaya napaso siya, agad naman akong dumalo sa kanya at nag abot ng panyo.
Masaya akong nakakalapit na ako sa kanya ngayon ng ganito, noon kasi hanggang tingin lang ako sa kanya pero hindi ko naman pinag sisihan yun kasi yun din ang nakatulong sa kanya para maayos at makilala ang sarili niya.
“Dwayne, ikaw na muna bahala kay Brielle, ikot lang kami ni Aeron.” sabi ni Carol saakin habang inaayos ang bag niya “Kung matagalan kami, o hindi niyo kami makita mamaya, mauna nalang kayo. Ikaw nalang ang magdrive sa kotse ni Nico kapag.” dagdag pa niya at napangiti akong tumango sa kanya. Kumindat naman sa akin si Aeron.
Nasa restaurant ulit kami katatapos kumain, nasa powder room naman si Brielle, hinihintay ko dito. Nangingiti ako habang iniisip na masosolo ko siya haha. Well, ang sakin lang naman, kung magdadate si Aeron at Caroline, edi idate ko na rin si Brielle nang palihim. Yeah hehe.
But the truth is, I'm the one who suggested to let me and Brielle join Aeron and Caroline’s dates. Aeron said yes so here is it.
Hahaha, ang talino ko ba?
“Nasaan na sila?” salubong nanaman ang kilay niya habang lumilingalinga sa paligid.
Pero sa halip na sumagot ako ay tumayo na at niyaya na siyang lumabas. “Syempre nagdate na sila. Bakit sa tingin mo isasama pa tayo sa date nila haha.”
“Eh? Edi umuwi na lang tayo!” ha? pwede ba yun? Hindi muna ah.
“Hindi. Hindi muna tayo uuwi. Uhm-” ano ng ba ang sasabihin ko? Date? Haha e baka layasan ako ng wala sa oras.
“Uhm? Ano yun. Lah! Tara na nga!" At hinila na niya ako palabas ng restaurant hahaha! nakahawak siya sa braso ko habang hinihila niya ako.
Syempre feel na feel ko naman, bakit hindi diba?
“Teka, teka nga muna…” huminto ako napatitig sa kamay niyang naka hawak sa braso ko “Nanantsing ka ba?” sabay turo ko sa kamay niya, gusto kong matawa sa sinabi ko pero kailangan kong mag galit galitan kahit na nangingiti ako kanina. Tsk syempre pa hard to kilig muna.
Dahil don, bigla niyang binitawan at iwinaglit pa ang braso ko, mamimilog ang mata at napaaawang ang kanyang labi na parang may sasabihin ngunit hindi nakapagsalita.
“Ang kapal naman ng apog mo! Diyan ka na nga…” maglalakad na sana siya palayo pero pinigilan ko siya, syempre ako naman ang nakahawak braso niya. “Oh?” inis siyang lumingon sa akin at umirap “Bitawan mo nga ako, baka mamaya nagmamanman pala yung gf mo.”
“Ang dali talaga para sayo na iwanan ang isang Dwayne Alfie Velasco ‘no?”
Natigil siya sa sinabi ko kaya ngumiti nalang ako at hinila siya para tuluyan na kaming makalabas ng restaurant.
Maganda pala ang view dito sa labas, makikita mo ang ang naglalakihang buildings at ang nagniningning na mga ilaw mula doon. At ang mas nakakamangha ay ang bilog na buwan sa kalangitan.
Nakaupo kaming pareho dito sa parke...
“The moon is beautiful, especially when you're watching with your love one.” sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
“Edi umuwi ka na ng Pilipinas para makasama mo si Hyanich sa panonood ng buwan.” aniya at napabuntong hininga nalang ako at mapait na ngumiti sa kanya.
“Mayaman ka naman, pwede kang umuwi kung kailan mo gusto.” sandali siyang napatigil, tumingala at pinananood ang buwan. “Hindi yung nandito ka at ginugulo mo na naman ang tahimik kong buhay.”
Hindi yung nandito ka at ginugulo mo na naman ang tahimik kong buhay.
Hindi yung nandito ka at ginugulo mo na naman ang tahimik kong buhay.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at parang dinudurog ang puso ko sa sakit ng salitang binitawan niya.
Feeling ko napahiya ako sa desisyong pagpunta dito sa U.S para suyuin siya ulit.
I know she's living peacefully now, pero hindi ko alam na ako pala ang gugulo sa tahimik niyang buhay.
Akala ko noon pinakawalan niya ako dahil mahal niya ako, at akala ko hanggang ngayon ganun pa rin ang tingin niya pero nagkamali yata ako. Ngayon ko lang narealize na…
maaring nagbago na ang nararamdaman niya para sa akin.
Hindi niya na ako mahal at isa lamang akong ‘pang-gulo’ sa buhay niya.
Ang kaninang nangingiti at parang baliw na Dwayne ay natahimik at natameme dahil sa sinabi ng isang Hannah Brielle Bergonia.
Natapos ang tahimik na gabing iyon noong hinatid ko siya sa bahay nila. Dumiretso na ako sa bahay nila Carol kung saan kami tumutuloy ni Aeron. At talagang wala pa ang dalawa, mukhang nag enjoy sila sa date nila.
Nakapamulsa at nakasandal ako dito sa kotse ni Nico habang pinapanood ang buwan na mag-isa. Kararating ko lang dito sa bahay nila Carol at wala pa akong balak na pumasok. Iniisip ko ang sinabi ni Brielle kanina, hindi ko makalimutan.
‘Kung gaano pa kaganda ang buwan, ngayon pa naman ako masasaktan.’
_
Brielle’s POV
Silent night wrapped me while watching the moon, alone here in my room. Inaalala ko ang tahimik na si Dwayne kanina. Akala ko mangungulit pero hindi naman na naulit, akala ko magiging masaya ang panonood namin sa buwan ng magkasama, pero hindi pala.
Kinabukasan. Mabilis akong nagtungo sa bahay nila Carol, para tumulong sa pagpaplano ng kasal nila. Siguradong tumutulong na ngayon si Dwayne doon. At kung mapapaaga ako, baka aabutan na naman ako ni Dwayne ng coffee na timpla ni Carol.
“Good morning!” bati ko kay Carol at ngumiti naman siya. “Goodmorning din Aeron.” bati ko noong nakitang palabas na rin si Aeron sa balkonahe.
“Goodmorning!” sabay na pagbati nong dalawa habang si Aeron nakaakbay kay Caroline.
“Kumusta kagabi? Naihatid ka din ba ni Dwayne?” tanong ni Carol
“Oo, bakit naman kasi kayo umalis agad?”
“Hehe, nag date kami.” si Aeron habang nakangiting nakatingin sa soon to be bride niya “Buti naihatid ka pa ni Dwayne kagabi ah?” tumango nalang ako, hindi nila alam kung gaano ka awkward ang nangyari “Umuwi na kasi siya, pagkatapos ka niyang maihatid.”
Umuwi?
Napakurapkurap ako don sa sinabi niya.
Umuwi sa Pilipinas? Gusto kong mainis sa narinig ko. So tinotoo niya? Baka namiss niya na si Hyanich kaya siya umuwi bigla? Natauhan siya kasi hindi naman talaga siya masaya na kasama ako kahapon sa panonood ng magandang buwan na iyon!
Padabog akong naupo sa paboritong upuan sa balkonahe at nilingon si Caroline. “Asan na yung timpla mong kape? Pwedeng makahingi?”
Pero sa halip na sumagot ay kunot noo siyang bumaling kay Aeron, nagtatanong na tingin sa nobyo.
“Kape? Hindi ako ang nagtitimpla ng kape ah. Did you?” tanong niya kay Aeron pero umiling lang din ang nobyo niya.
“So kanino galing yung kape na binibigay sakin ni Dwayne?”
Biglang natawa si Aeron na ikinagulat ko naman.
“Hahaha! Kung si Dwayne ang nag-abot, paniguradong siya rin ang nagtimpla non!”
Nakaawang na ang labi ko ngayon, so all those times, siya pala ang nagtitimpla para sa akin. Tapos ngayon… ngayon, umalis na siya.
Badtrip ako sa araw na iyon hanggang sa nakauwi ako ng bahay. Sakto pa man din na babalik na ako ng Pilipinas next week. Sasabay ako kila Aeron at Carol dahil don talaga sa Pilipinas magaganap ang kasal, karamihan sa kaibigan at mga kapamilya ay nasa Pilipinas, kaya yun.
Mabilis nga ang paglipas ng araw, nasa Pilipinas na kami at ngayon, umuwi muna ako sa Condo para bisitahin si Lai. Plano ko kasing isama siya sa bahay ni dad para may kasama akong tumira doon, iyon din kasi ang suhestiyon ni dad sa sakin.
“Natutuwa talaga ako na ayos ka na, alam mo ba na lagi akong binibisita nila tito Carlos at tita Delia?”
“Oo nasabi nga nila sa akin noong nag skype kami.”
“Pero alam mo ba, hindi na nag hired ng secretary si Dwayne kahit nahihirapan siya noong umalis siya!” doon ako nagulat, impossible? “Hayy bilib din talaga ako sa sipag ng ex mong yon no!”
“Bat naman hindi nag hired ng secretary?”
“Aba, syempre ikaw lang gusto non haha.”
Napailing nalang ako sa sinabi niya at inayos ang mga gamit na ililipat sa bahay ni dad.
Mabilis ang oras kaya mabilis din kaming nakarating sa bahay. Pero pagkarating palang namin ay nagbibihis na si dad.
“Anak, Lai, mabuti at nakarating na kayo. Magbihis na kayo at susunod tayo sa party ng mga Sison.”
“Ha? Kila Zacharri po ba?”
Tumango na lang si dad at minadali niya kaming magbihis ni Lai.
Isang black, sleeveless dress, na hanggang tuhod ang suot ko. Si Lai naman ay naka white dress na medyo mas maikli kaysa sa suot ko.
“Heyy!” nakangiti si Zacharri na sumalubong sa amin ni Lai, pero nasa akin ang tingin, nakahanda pa ang kanyang braso para sa yakap. Noong naka lapit na siya ay tuluyan na nga niya akong niyakap “I miss you, Brielle. Welcome to Philippines, again.” aniya at kumalas na sa pagkakayakap. Nagpaalam naman si Lai na mauna sa loob kasama si daddy kaya naiwan kaming dalawa ni Zac.
“I’m happy to see that you're okay now. Glad you accepted your true self, real family and forgave my mom and tito Carlos.”
Ngumiti ako “Acceptance and forgiveness is the reason why I went back here. And that means I forgave and understand them now. I also wanted to thank them personally for raising me.”
“Good, tito Carlos will be happy for that, my mom too, i mean our mom hehe.”
“Mama tawag ko sa kanya.”
“Pwede namang mommy din hehe.” napatingin ako sa kanya, pero “Joke...sige tara na pasok na tayo.” inalalayan niya ako sa pagpasok. Hindi ko alam kung para saan ang party na to pero sumama parin ako.
Nagulat ako noong biglang nag dim ang light noong pumasok ako, napakapit tuloy ako sa braso ni Zac.
“Anong nangyar-” hindi pa ako natatapos noong marinig ko ang isang sabay sabay na pagbati, kasabay ng pag flash nito sa malaking TV screen ng mga Sison.
“Welcome home Hannah Brielle Bergonia!” sabay sabay nilang bati na ikinagulat ko pero nakangiti naman ako sa pasurprise nila.
Bigla tuloy akong naluha, pero nakangiti pa rin. Naramdaman ko na lang na pinalis ni Zac yon, habang nakaakay parin pala ako sa braso niya.
Nakita kong naroon si papa Carlos, daddy Anthony, mama Delia at ang kanyang pamilya bukod kag Zac na nasa tabi ko. Naroon din si Aeron at Carol na nangingiti sa gilid, kasama naman ni Lai ang kanyang mga officemate sa likod. At hindi ko napansin na meron pala si Dwayne at Hyanich, sa tabi din ni Aeron. Unti unting napawi ang ngiti ko.
Bakit kailangang pati sila ay kasama sa pagwelcome sa akin? Pwede naman silang magpakasaya nalang, tutal mukhang maganda ang buwan ngayon, Dwayne.
Pero ako din ang nasasaktan sa sarili kong iniisip. Nagtagal ang titig ko sa kanila, walang expression si Hyanich at madilim naman ang titig ni Dwayne.
Bumitaw ako sa braso ni Zac at sinalubong ko si papa Carlos ng isang mahigpit na yakap. “Papa, I miss you.” panimula ko “I’m so sorry if I didn’t understand you earlier that time.” naluluhang sambit ko “Papa, thank you for taking care of me, even you know that I'm not your own daughter.”
“Shhh, don't be sorry. I'm glad that you're okay now. Mahal na mahal kita anak, kahit na hindi ako ang tunay mong ama.”
Naiiyak ako sa sinabi ni papa kaya pinalis ko ang luha bago kumalas sa kanya. Sumunod na lumapit sa akin ay si mama.
“Mama, patawarin mo din po sana ako for hurting you, hindi ko alam ang mga sakripisiyo niyo sa akin. Pero ngayon, nagpapasalamat ako sa pag-aalaga mo sa sakin noon. At masaya ako na masaya ka ngayon sa sarili mong pamilya.”
Mas hinigpitan ni mama ang yakap sa akin habang naiiyak na rin. “Mahal na mahal kita anak, sorry for not telling you earlier about the real you.”
“It’s okay mama, I understand it now. Thanks for your patience.”
“Welcome anak.” napatingin siya sa likod ko at ngumiti “Bagay kayo ni Zac hehe. Kung manliligaw ba sayo ang anak ko, may pag asa?” sabay kindat sa akin ni mama, nagulat naman ako sa tanong niya.
“Maaa-”
“Pssh...joke lang hehe. Sige, enjoy your party, anak!”
Nilapitan ako ng mga ka work mate ko dati sa VSI at nakipag kumustahan din sa akin. Sila Genin at Amiel ay masayang sumasayaw sa dance floor, nagbibiruhan at naghaharutan na rin ang iba pero napansin ko na tahimik lang si Dwayne ngayon, hindi man lang ako binati ng welcome home. Well, same lang sila ni Hyanich.
“Okay ka lang?” tanong ni Zac habang umiinom ng wine. “Kanina ka pa tulala, hindi ka ba masaya?” nag aalalang tanong niya sa akin. Natauhan naman ako doon.
“Ayos lang, medyo naninibago lang. Pero masaya akong makita ko kayo ulit sa personal.” sabay ngiti ko sa kanya at napatango naman siya.
“Can we dance?” anyaya niya sa akin. Hindi ko alam kung tatayo ako pero noong tumayo siya at naglahad ng kamay ay lumingon muna ako sa direksion ni Dwayne. Hindi ko naman alam na nakatitig pala siya sa amin habang nilalaro ang baso ng wine sa kanyang kamay. Kasama niya si Hyanich sa table na iyon.
“Sige.” sagot ko kay Zac at marahan kong inabot ang kamay niyang nakalahad sa akin.
Marahan niya akong hinawakan sa baywang noong nasa gitna na kami ng dance floor. Narinig ko ang hiyawan ng ilang kaibigan namin. Mas lalo na noong kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa balikat niya.
Sa intro palang ng music, nahuhulaan ko na kung anong kanta iyon.
Come to me and take my hand
And be my lady
Truly, I must let you know
That I'm in love with you
All I want is you
How I need you, so please…,
Maybe you could lose the pain
If you just tell me
Say the words you long to whisper
That I want to hear
Something's on your mind
Is it hidden in your smile
Hindi ko inalis ang titig ko kay Zac habang sumasayaw kaming dalawa, pansin kong seryosong seryoso siya na nakatitig sa akin. At parang may sinasabi ang kanyang mga mata pero hind niya mailabas.
“Pakinggan mong mabuti yung kanta.” ngumiti siya, pero naninibago ako sa ngiti at seryosong mukha niya, hindi pa rin kasi niya inaalis ang titig sa akin.
Be my lady
Just forget the past
It's time to mend your broken heart
Let no walls divide us now
(So) dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I have
“What can you say about it?” tanong niya pero wala akong maisagot.
“Ayos naman, pwede naman palang pang sayaw ang kantang iyon.”
__
Zacharri’s POV
I already told to the operator that, if Brielle will accept my hand and dance with her, then the music will be Be My Lady.
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinayaw iyon. Sa bawat sentence sa kantang iyon, ay siyang sinasabi rin ng nararamdaman ko para sa kanya pero…
“What can you say about it?” tanong ko pero wala siyang maisagot agad.
Pero noong sumagot naman siya “Ayos naman, pwede naman pa lang pang sayaw ang kantang iyon.” napangiti na lang ako at napailing sa sagot niya.
“Be My Lady…”
“Haa?”
“Wala... pagod ka na ba? Pwede na tayong umupo.” anyaya ko sa kanya pero nasasayangan ako, hindi ko kasi naamin sa kanya ang totoong nararamdaman.
Naalala ko noong umalis siya, sobrang naaapektuhan din si Dwayne pero hindi siya nagpahalata kahit nahihirapan. Alam kong mahal na mahal ni Dwayne si Brielle na kahit dumating si Yanyan, mas pinili niya pa rin si Brielle kasi nga, mahal niya at ganun din si Brielle kay Dwayne.
“Ang ganda mo, Brielle.” papuri ko sa kanya noong naka upo na kami “Thanks for the dance, I’ll treasure if for sure.”
“Ay, may patreasure pa pala.” biro niya “Welcome.” aniya at napatingin na siya sa direction ni Dwayne. Kita kong nagtama ang paningin nila pero naunang umiwas si Brielle.
Sa tinginan pa lang nilang dalawa, alam kong mahal pa nila ang isa’t isa. Hindi pa naman talaga sila officialy break, ayon kay Dwayne.
Ang hirap pala yung ganito, yung may nararamdaman ka para sa isang tao, pero hindi mo maamin kasi may mahal siyang iba.
Hayy buhay.
I will just treasure this night when I first dance with her. And those moments we have shared together. Cause I know this love, is one sided.
Unrequited love…
That's my love for you… Brielle.
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 14 (Treasure) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 03.04.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗