Dwayne's POV
I just spent my night watching her from a distance. I watched her danced with Zacharri which made me jealous. I spent my hours at her party silently watching her. And everytime when our eyes met, she looked away first.
“Kausapin mo kaya? Not that you're just staring at her.”
“She’s happy with Zacharri, as you can see.” sagot ko kay Aeron. Ayaw ko namang guluhin siya ngayon.
Be My Lady…
Alam kong may ibig sabihin ang kantang iyon. Alam kong sa kanta na lang idinaan ni Zacharri ang kanyang nararamdaman.
“Magpapahangin lang ako.” paalam ko kay Aeron at dumiretso na ako sa labas ng bahay nila Zacharri hanggang sa kanilang hardin. Some of my employees are here too.
“So, how's your moon watching with Hyanich? Was it fun?” I turn my head and look who's at the back, it's Brielle. And I don't know what she's talking about.
“What?”
“What? Diba nga bumalik ka ng Pilipinas para makasama si Hyanich sa panonood ng buwan?”
“I..did that?” kasi wala akong matandaan na ginawa ko yun “I don't remember doing it, huh.”
I just don't want to disturb you again, that was why I came back here.
“Tch maybe you forget it, cause you enjoyed being with her too much.”
“I don't know what you’re talking about, Brielle. So please just leave and talk to Zacharri instead.”
“We’re done talking. Eh bakit kayo ni Hyanich? Tapos na rin ba kayong mag-usap?”
I don't know what’s gotten to her. She followed me here just to talk about that things?
“It doesn't matter to you if we were done talking. Ihahatid ko nalang siya mamaya.” I said without tearing my eyes on her.
“Right. She's really that especial to you, your first love, hmm.” napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin sa akin “Umuwi ka para sa kanya sa kalagitnaan ng pananonood natin ng buwan.” ngumiti siya pagkatapos sabihin non pero ramdam kong may pait sa kanyang mga ngiti. At hindi ko maintindihan yun. “Glad you two, came back to each othe--”
“Umuwi ako para hindi ko na ulit magulo ang tahimik mong buhay..” deretsahang sabi ko at nakita kong natigilan siya.
Hindi yung nandito ka at ginugulo mo na naman ang tahimik kong buhay.
I remember that clearly and it broke my heart too much.
“Huh?”
“Forget it.” napasinghap ako ng hangin at napatingin sa loob ng bahay nila Zac. “Look at your two dads, dancing together.”
“Hmm yeah, I saw it before I went out. And I'm happy for them.”
“Yes you should.” I replied “But why did you follow me?”
“H-hindi a!” angil niya pero nabubulol naman.
“Hindi ba? Then why are you here? It's your party and you should be inside, dancing with your friends or… someone you like.”
Hindi siya kumibo at hindi rin bumitaw sa titigan namin. Kaya ganun rin ang ginawa ko,
“You should push me away again if that's what you really want. Before I'll finally give up.” I uttered those words in front of her that causes her to blink multiple times. She was stunned and I'm too busy watching her every expression she makes.
Tama, kung talagang ayaw niya na sa akin… dapat niya akong ipagtulakan palayo sa kanya. And she shouldn't meddle in my own life nor lovelife if she doesn't care about me anymore… but why does she's acting like this?
_
Hannah Brielle’s POV
“You should push me away again if that's what you really want. Before I'll finally give up.”
Natapos ang gabing iyon pero dahil sa sinabi ni Dwayne ay hindi ako nakatulog ng maayos. Ilang gabi ko rin iyong pinag isipan.
“Anong ibig niyang sabihin? Give up? Anong igigive up niya?” sumakit ang ulo ko kakaisip non.
Naging mabilis ang panahon at niyaya ako ni Lai na bumisita ulit sa VSI. Noong una tumaggi ako pero narealize kong hindi naman dapat. Dahil wala naman akong iniiwasan…
“Hay! Parang kailan lang talaga no, Brielle. Secretary ka lang dati ni Dwayne, ngayon isa ka pala sa mga mayayaman na Bergonia.” sabi sa akin ni Precious habang nagtatype sa kanyang computer. Binisita ko kasi sila sa opisina nila Lai.
“Hindi ako ang mayaman, ang pamilya ko lang.”
“Oh! Kahit na… Bergonia ka pa rin, kaya mayaman ka.”
“Hindi naman. Mas ayos pa rin sa akin ang simpleng buhay.” ngumiti ako sa kanila at napatango rin ang grupo ng mga lalaki, sina Amiel.
“I like that thought.” nag thumbs up naman sa akin si Fanny, mayaman nga pala ang isang to. “Success means hardship for me. Not because your family is rich, you can always depend on them. No, work on your own then you will be successful too.”
“Woaaah!” pumalakpak ang boys at namamangha naman ang mga babae sa sinasabi ni Fanny. Natuwa at napangiti ako sa kanila, namiss ko rin kasi ang ganitong scenario sa office kahit na dadalawa lang naman kami noon ni Dwayne sa aming office.
Speaking of that office, kumusta na kaya?
Nahanap ko nalang ang sarili ko na naglalakad patungo sa dating opisina ko, kung saan kaming dalawa lang ni Dwayne doon. Napangiti ako habang inaalala ang panahong iyon.
Kung saan mas nakilala ko siya bilang boss ko at bilang isang Dwyane Alfie Velasco na kaibigan at hindi ko inakalang mamahalin ko pala, at hanggang ngayon mahal ko parin siya.
Iniisip ko pa lang na masaya siya kay Hyanich ay nadudurog na ang puso ko. Pero kahit na ganon naiisip ko rin na siguro nga, tama ang naging desisyon kong umalis.
Nasa tapat na ako ng office namin dati, napangiti ako at hinawakan ang doorknob, bubuksan ko na sana pero unti-unting nanlambot ang aking mga tuhod at bumagsak ang aking balikat sa nakikita ko ngayon.
Alam kong wala akong karapatang masaktan ng ganito, dahil una palang… ito ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan.
Si Dwayne at Hyanich, nakaupo at magkayakap sa harapan ko at sa mismong sofa pa. Kitang kita ko kung paano hinaplos ni Dwayne ang likod ni Hyanich habang mahigpit ang yakapan nilang dalawa.
Ganito ba sila palagi sa loob ng opisina naming dalawa ni Dwayne dati? Masaya ba siya? Dahil at last, worth it lahat ng sacrifices niya para kay Hyanich.
Ganon pala kasakit na maisampal sa akin ang katotohanang iyon.
Tinutusok ang puso ko habang pinapanood kung gaano katagal magkayakap ang dalawa, at kung paano paano ngumiti si Dwayne kay Hyanich noong kumalas sila sa pagkakayakap.
I'm just nothing but she's his everything… I'm just a chapter and she's his prologue and epilogue in this story.
You fool self. Just be happy at least worth it naman ang sakripisyo ko para sa kanilang dalawa.
Ramdam ko ang ilang butil ng luha na lumalabas mula sa aking mata at umagos patungo sa aking pisngi. Dahan dahan akong napaatrass mula sa pagkakahawak ng doorknob at nag angat ulit ng tingin sa kanila. Pero bago pa ako makaattras ng tuluyan ay nakita na nila ako. Dahil sa hiya at sakit na nararamdaman, tumakbo ako palayo at palabas ng building na iyon.
At sinong mag-akalang uulan ng malakas kasabay ng luhang nagsisibagsakan. Hindi ko inalintana ang ulan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad, tinitiis ang lamig, habang itinatago ang luha sa aking mga mata.
Napatingala ako sa gitna ng ulan habang hinahayaan ang sariling luhang mahulog kasabay ng pagbagsak ng ulan.
Hindi ko akalaing masasaktan pa pala ako. Akala ko tapos na noon. Akala ko okay na ang lahat, akala ko tuluyan ko na siyang maiiwasan, akala ko tanggap ko na silang dalawa, dahil eto naman talaga ang gusto ko noon.
Akala ko lang pala, dahil sa oras na ito aaminin kong… nasasaktan ako dahil mahal ko pa rin siya.
Nakatingala ako sa kalangitan at ipinikit ang aking mga mata. Pero ilang segundo lamang ay naramdaman kong tumigil ang ulan. Tumigil na nga ba? Dahan dahan akong napamulat habang nakatingala pa rin pero isang itim na payong ang nakita ko,
Sinundan ba ako ni Dwayne?
Dahan dahan akong tumalikod para makita kung sino ang nakahawak sa payong na iyon.
Naka blue jeans, at black shirts. Ang isang kamay ay nakalagay sa kanyang bulsa, habang nakahawak naman sa payong ang isa. Seryoso, at salubong ang kilay ang tingin nito sa akin.
“Your’re crying again…” seryosong aniya pero bakit pakiramdam ko, disappointed ako.
Dahil ba iba ang inaasahan ko ngayon? Dahil akala ko si Dwayne ang nagdala ng payong na iyon?
Napangisi ako sa iniisip ko… bakit niya gagawin yun eh nagmomoment sila ni Hyanich.
“It’s you again…” napatitig ako kay Zacharri habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha. “And it's here again…” pilit ang ngiting ibinigay ko.
Kung hindi lang siguro ako napamahal kay Dwayne, baka nahulog na ako kay Zacharri.
“Baliw na yata ako, Zac. Bakit pa ako nasasaktan, diba dapat tanggap ko na silang dalawa?” suminghap ako ng hangin at napabuntong hininga. “Masakit pala talaga ang magmahal, ano?”
Nakatitig lang ito sa akin pero dahan dahan din namang napatango. “Yeah, masakit.” aniya at ngumiti “Lalo na kapag yung minamahal mo ay may mahal ng iba.” lumapit siya sa akin at pinunusan ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay. “Tahan na.” pagkasabi non ay bigla niya akong niyakap. Napapikit ako dahil naiiyak pa rin. Mas naiiyak kasi ako kapag may nagcocomfort sa akin.
“Paano nalang kaya kung nagpakilala ako ng mas maaga sayo?” seryoso niyang tanong na ikinagulat ko naman.
“Huh?”
“Kung ako siya, hindi kita hahayaan na masaktan ng ganito.”
“Hindi niya naman kasalanan, kasalanan ko ito.”
Pagkasabi noon ay namataan ko si Dwayne, nakatayo siya sa medyo malapit sa amin, nasa gitna din siya ng ulan pero wala siyang payong! Seryoso ang tingin nito sa direksiyon namin pero sa likod niya, nakita ko si Hyanich na nakahawak ng payong at nakatingin din sa amin ni Zacharri nang paulit-ulit.
Naalala kong nakayakap nga pala si Zac saakin. Napangiti siya saakin pagkatapos niyang kumalas sa yakap “Be honest with your feeling, Brielle. If you still love him… go and tell him.” nababasa ko ang lungkot sa mata ni Zac. Ang akala ko ako lang ang malungkot ngayon, pero bakit pati siya.
“A-ayos ka lang ba?” nagtatatakang tanong ko. Pero ngumiti siya at napailing.
“Ayos lang ako kapag ayos ka na.” kumunot naman ang noo ko “I’m your friend, Brielle so don't expect that I'm happy while I see you crying again.”
Napatingin ako kay Dwayne na nandon pa rin at nakatayo, nakita kong dinaluhan siya ni Hyanich pero sumenyas itong huwag na at naglakad na siya papasok sa building. Basang basa ang kanyang black suit. Naiwan si Hyanich nang nakitingin pa rin sa amin, nag angat naman ako ng tingin kay Zac na ngayon ay nakatingin na rin kay Hyanich at kay Dwayne na papalayo na sa amin. Sumunod din sa kanya si Hyanich.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa magkakasunod na katok sa kwarto ko. Gustuhin ko man na matulog na lang dahil sa nangyari kahapon ay hindi ko nagawa dahil sa katok na iyon.
“Bakit?” kinukusot ko ang aking mata habang naghihintay ng sagot kay Laila.
“Si Hyanich… hinahanap ka.” bungad niya sa akin na ipinagtataka ko naman.
“Sabihin mong nakatulog ako…” pagdadahilan ko pero napailing naman si Lai “Oh bakit?”
“Kausapin mo na lang.” binigyan niya ako ng nagmamakaawang tingin na ipinag kunot noo ko naman “Umiiyak pa naman siya.”
Wala akong nagawa dahil sa sinabi niya. Mahal ko pa rin si Hyanich kahit nasasaktan ako sa kanilang dalawa ni Dwyane, kasalanan ko din naman dahil umekstra pa ako sa love story nila.
Pero anong ginagawa niya dito? Bakit pa siya umiiyak?
“Brielle!” nagulat ako noong tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, umiiyak pa rin siya kaya nagtataka ako kung bakit. “Si… si Dwayne umalis, pupunta siya ng Switzerland.”
Alam kong noon pa ito sinasabi ng kanyang ama pero nagugulat ako na ngayon pa siya pupunta ng Switzerland kung kailan nandito na nga si Hyanich.
At ang malaman na aalis siya ay dinudurog na naman ang puso ko. Kung totoong sa Switzerland nga iyan, baka for good na yun since nagkaroon na ng branch ang VSI sa bansang iyon.
Kumalas si Hyanich sa pagkakayap at luhaan ulit siyang napatingin sa akin.
“B-bakit mo sinasabi sa akin to Hyanich? I don't think I can do something about that.” she's your boyfriend and you're the one who have the right to stop him.
Gusto kong idagdag yun pero hindi lumabas sa bibig ko.
“Sorry… Brielle.” she said “Sorry I ruined your relationship back then, I shouldn't have meddled in you back then.” napailing siya na mukhang may naalala “Oh goodness! Please forgive me, but please… if you really love him until now, please atleast tell him now! I'm sorry to say this pero baka hindi mo na siya maabutan sa airport.” mababasa ang lungkot sa kanyang mga mata, nalilito ako kung anong gagawin ko.
“Bakit pa ako pupunta? Paano ka, bakit mo sinasabi sa akin to?” naguguluhan ako king bakit pa niya ito sinasabi.
“Goodness Brielle! Hindi na nga ako naging mabuting pinsan sayo, tapos ako pa ang inaalala mo ngayon? Pwede bang pagbigyan mo naman ang nararamdaman mo? Hindi yung ikaw nalang lagi ang nasasaktan.”
“Don’t worry about me, we're not been together ever since we broke up. Hindi na yun nagkaroon ng second chance cause his love was not for me anymore. It's for you that's why.
Kung tungkol kahapon, mali ang iniisip mo tungkol sa amin, Dwyane only comforted me because…” hindi niya naituloy ang sinasabi niya napahikbi na naman siya. “My mom almost died yesterday.” doon ako mas nagulat at napaangat ng tingin sa kanya. Si tita! “I know you're worrying, but today, the doctor said that she's fine. So please, puntahan mo na si Dwayne.”
“Bakit ko siya pupuntahan?”
“Goodness Brielle! Syempre dahil mahal mo pa!” oo, alam kong mahal ko pa pero bakit naman?
“Hindi ko naman siya pipigilan kung tungkol iyon sa company nila, Nich.”
“Alam ko, pero nasaktan siya kahapon. He also misunderstood you and Zacharri. He thought there’s something going on between you two.” Namilog ang mata ko dahil sa sinabi ni Hyanich.
“W-wala!”
“So, go and see him now, clear all things to him including your feelings. Before it’s too late...”
“What do you mean?”
“Baka matagal bago siya babalik dito. At… at baka makahanap siya ng papantay sayo, g-gusto mo ba yun?”
The way she talked to me is convincing! Nahanap ko ang sarili ko na tumatakbo papasok ng airport. With dad’s connection mas napadali ang pagpasok ko, nagtungo ako sa waiting area kung nasaan ang mga nakaupo at naghihintay ng flight patungong Switzerland. Inilibot ko ang mata para makita si Dwayne pero wala!
Aaminin kong gumaan ang loob ko nang malaman na walang namamagitan kay Dwayne at Hyanich pero ngayon at aalis siya, dinudurog na naman ang puso ko.
Pero hindi ako sumuko, naghintay ako baka nag-cr lang siya saglit. Ang balita ko ay mamayang 3 pa ang flight pero 2:13 pa lang.
Kung hindi ako aamin ngayon, possibleng mangyari nga ang kinakatakutan ko, baka mahulog siya sa iba at tuluyan na ngang makalimutan ako. With his handsome look and good attitude, girls will easily fall for him, at maaring siya rin!
Alam kong wala na akong rason para iwasan at pigilan ang nararamdaman para sa kanya kaya ko ito ginagawa. Pero paano kung na fall out of love na siya?
Namuo ang maliliit na butil mula sa aking mga mata sa naiisip kong iyon. Pero agad ko rin itong pinunasan noong makita ko ang likod ni Dwayne! Walang pag aalinlangan kong nilapitan ito at tinawag sa pangalan niya.
“Dwayne…” naiusal ko, pinigilan ko ang panginginig ng boses ko.
“Brielle? A-anong ginagawa mo dito?” nagtataka niyang tanong pero nakatitig pa rin ako sa kanya. ‘Please don't go’ gusto kong sabihin iyon sa kanya pero wala akong karapatan, company nila yun at ex lang ako. Ayaw kong masira ang pinaghirapan ng pamilya nila.
“W-wala.” napapikit ako sa sinabi ko! Naghirap akong hanapin siya dito pero hindi ko kayang aminin sa kanyang mahal ko pa rin siya.
Sandali siyang nag isip at napatingin sa paligid pagkatapos ay binalik niya sa akin ang tingin na yan “Nagpunta ka rito para sa wala?”
Tatango na sana ako pero nagsalita ulit siya…
“Kung ganon, aalis na ako.” turo niya sa kaliwang direksiyon at dahil hindi ako nakatiis…
“Sorry!” naisigaw ko noong akmang hahakbang na siya palayo, dahan dahan siyang lumingon pabalik “Sorry for pushing you away.” nakayuko kong sinabi iyon. “I just wanted you to be happy, and I thought you were together again. But I don't want to loose my chance.” hindi ko alam pero naging emosyonal ako pagkasabi noon.
Walang kasiguraduhan, yun ang totoo.
Sa nararamdaman ko, alam kong totoo. Pero paano yung naramdaman niya?
Atleast I told him before he go?
“I don't think I can stop you, but I don't have a plan to stop you since that's your business.” tukoy ko sa plano niyang aalis “But I can't loose my chance to say this words to you.”
“What is that?”
“Mahal pa rin kita, Dwayne.”
Halos mapapikit ako pagkatapos kong sabihin ang salitang iyon. Naramdaman ko pag init ng aking pisngi dahil sa kahihiyan! Lalo na at wala man lang siyang ekspresyon sa mukha! Blanko.
“And?” he said boringly. Doon pa lang kinabahan na ako.
Kung dati, konting I love you lang ay natutuwa na siya, ngayon parang walang epekto sa kanya.
Siguro nga madami ng nagbago? Na lumipas na ang taon at tao lang din siya, nagbabago ang nararamdaman.
Nag init ang gilid ng mata ko dahil sa cold treatment niya.
“And why you're telling me that words now?”
Sunod na tanong niya. At sa pagkakataong ito… alam kong wala na talaga.
Wala ng pag-asa. At walang saysay ang salitang ‘mahal kita’ para sa kanya.
“I- i just want to clear my feelings for you before you go.” napahiyang tanong ko.
“And then?” walang emosyong tanong niya.
Tama na, hindi ako sanay sa coldness mo, Dwayne.
“If you're planning to say that words to me cause you want me to be your boyfriend again, then I'm sorry… I don't do girlfriend anymore.”
Ang kaninang namumuong luha ay tuluyan na ngang bumagsak. Naramdaman kong nag init ang aking pisngi. Ang bilis ng pintig ng puso ko pero hindi dahil kinakabahan ako, dahil nasasaktan ako.
“S-sorry…” napapahiyang sagot ko. Dahil kung tatanungin lamang niya kung plano ko bang makipagbalikan sa kanya ay sasagutin ko ito ng OO! Dahil mahal ko parin siya at nakatulong pa na wala naman pala silang relasyon ni Hyanich.
Siguro kung hindi ko siya tinulak palayo, siguro nagtagal din kami? At baka nga ikinasal na rin kami.
Sige isip pa, Brielle. Maliwanag na nga sa kanya na wala siyang balak na maging GF ka pa.
Bumigat ang pakiramdam ko at nasasaktan ako.
Agad na akong tumakbo mula departure building at pasakay na sana ako pababa sa groundfloor sa escalator pero napatigil ako sa dami ng taong nakukumpulan.
Sa groundfloor, kung nasaan ang arrivals. Alam kong madaming tao dito pero ang magkumpulan ng ganito ay kataka-taka.
At ang lalong ipinagtataka ko ay nasa harapan nila ang mga kamag anak ko, si papa, mama at ang pamilya niya, ang mga kaibigan at office mate ko dati, sila Aeron at Carol, Zach at Hyanich, ang mga pinsan ko at si daddy ay nasa harapan!
Ano yun? Nandito silang lahat para ihatid si Dwayne?
Napatigil ako sa paghikbi, pinunasan ko ang luha ko at nagtataka paring nakatingin sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa likod nila at sa buong tanong nagkukumpulan.
May napansin akong kakaiba…
Kakaiba talaga! Sa linya nila Aeron palikod ay may nabuong letra. Unti unti ko itong nabasa at…
Literal na nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko!
WILL YOU…
Pero hindi, baka nagkamali lang ako. Baka nadala lang ito sa kakaiyak at panlalabo ng mata ko. Kaya kinusot ko ng mabuti ang mata ko, ilang beses kong ginawa yun.
Kinurot ko na rin ang mga daliri ko pero napapikit lang ako sa sakit.
“I don't do girlfriend. But I do marriage.”
Agad akong nagmulat! Nagugulat akong humarap sa kanya. Pero pagkaharap ko ay unti unti na siyang lumuhod!
“Hu-” nag aalangan ako kung anong gagawin ko, “Huy, tumayo ka nga diyan.”
Tama ba tong nakikita ko?
“Now, will you marry me?” seryoso pa ring tanong niya na mas nagpatibok na naman ng puso ko. Yung tibok na sa kanya ko lang naramdaman.
Napatingin ako sa mga tanong naka linya pa rin kung saan nabuo ang salitang...
WILL YOU MARRY ME?
T-teka! So ano to? Set up?
Napakamot ako sa tenga at palipat-lipat na tumgin sa groundfloor at kay Dwayne na na nasa harapan ko, nakaluhod at may kumikinang na singsing mula sa pulang kahon.
Pero napatitig ako kay Dwyane na seryoso pa rin ang mukha pero mababasang kinakabahan din siya.
Akala ko tumigil na ang luha ko pero ang makitang nakaluhod ang lalaking pinakamamahal ko ay siyang nagpalambot na naman ng puso ko, naluluha ko siyang pinatayo pero hindi niya ginawa.
“I don't want to lose years, Brielle. I'm waiting for your answer.” seryoso siya pero ngumiti din sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha at tumigil sa paghikbi.
Dahil sa kaba, tuwa at panlalamig sa kamay ay walang lumabas sa aking bibig kundi ang napatango na lamang ako.
“I can't hear you, Brielle.” aniya na mukhang hindi kontento sa tango ko.
At dahil malambot ang puso ko pagdating sa kanya…
“Yes. I will marry you, Dwayne Alfie Velasco.” ngumiti ako kasabay ng pagbagsak ng panibagong luha, hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil mahal ko siya. “Kaya tumayo ka na diyan!” naiiyak pa ring sabi ko at pati rin pala siya, namumula din ang mata niya.
“Wait.” aniya at kinuha ang kamay ko.
Naalala kong may singsing nga pala siyang hawak. Pinapatayo ko na siya nang hindi pa naiisusuot ang singsing. Hehe sorry.
He put the ring in my middle finger and he kissed it. “Dito muna ha.” haplos niya sa daliring may singsing. “Bukas o makalawa dito naman.” turo niya sa ring finger ko.
Napatango ako. Masayang masaya dahil sa mga pangyayari sa araw na ito.
Sa kabila ng pagtulak ko sa kanya palayo ay naisip pa rin niyang balikan ako.
Mahal ko nga ang lalakeng ito.
Dahan dahan siyang tumayo at agad niya akong niyakap, mahigpit na yakap at ang yakap niyang iyon ang nakakapagpatibok nanaman ng puso ko. Niyakap ko rin siya pabalik. At noong kumalas siya sa pagkayakap ay binigyan niya ako ng matamis na halik sa noo.
“I miss you baby. And there’s no kidding way, hidni ko kaya ang tignan lang kita mula sa malayo.”
Oo nga pala at nagkaroon ako ng stalker since nagbreak kami. And not to brag ha, pero si Dwayne yun haha.
“I love you…” aniya at niyakap ako ulit.
“I love you too, Dwayne.”
Naghiyawan at nagpalakpalakan ang mga taong nasa groundfloor.
Sabay na kaming bumaba ni Dwayne nang magkahawak kamay. Hindi ko inexpect to, sino ba namang mag aakalang uuwi ako na hawak ang kamay ng lakaking to.
Napailing ako sa iniisip ko at pagkababa namin sa groundfloor ay nagsibalikan ang mga pasahero sa kani-kanilang pwesto ang iba ay umuwi na at ang iba ay naghihintay pa rin sa kanilang kamag anak na malamang ay hindi pa nakarating.
“Congratulation!”
“Ang sweet nila!”
“Grabeh yun effort ni boy doon ha.”
“Talagang siguradong sigurado ha.”
Napangiti ako sa narinig kong bulungan, marami ang bumati sa amin at nagpasalamat kami dito.
Binati na rin kami ng mga kamag-anak at mga kaibigan namin. At sila dad at papa, nalaman kong malaki ang naitulong nila kay Dwyane. Talagang pinag kaisihan nila ako.
Kung kanina, blanko ang ekspresyon ni Dwayne, ngayon para siyang may ginawang kalokohan sa ngiting iyon!
At meron talaga! Hindi naman pala siya pupunta ng Switzerland at si Aeron naman talaga ang magmamanage doon kapag kasal na sila ni Carol.
Seryoso ako dito at halos maiyak na sa kahihiyan kanina at ramdam ko pang nasa akin ang atensiyon ng ibang pasahero pero siya… para siyang baliw sa ngiting iyon!
“Huy! Ano ba… naiilang na ako sa ngiti mo!” angil ko dito.
“Op! Ano nga ulit yung sinabi mo sa akin?” aniya
“Na naiilang ako sa ngiti mo!”
“Hindi, bago iyon…”
Ano nga ba?
Huy, ba yon?
“Huy?”
“Hindi.” aniya ng nakangiti
“Noong nasa cold version pa ako haha.” sabi niya. Kinukulit niya ako hanggang sa makasakay kami sa sa kotse niya.
“Tsk!” natawa ako “Bakit? Feel na feel mo naman kanina yun?”
Sabihan ko ba namang mahal ko siya hahaha.
Pero totoo nga.
“Sige na, please.”
“Ilang taon ko kayang gustong marinig yun.”
“Oo na! Mahal na mahal kita.” sabi ko at nakatitig sa kanya. Ngumiti siya at biglang nagseryoso, aba dapat lang.
Syempre ako din, sumeryoso na.
“I had fears in love. But now, I fears of losing you again, I don't wanna know how to face my fear anymore so please stay.” matapang kong inamin sa kanya iyon. Dahil ngayon isa na lang ang ikinakatakot ko, yun ang malayo siya sa akin. Ulit.
“There’s no need for you to beg for me. I just gave you space, but I will always come back to you.” napangiti ako sa sinabi niya. Now I know na hindi pa pala siya sumuko sa akin. Akala ko na fall out of love na siya sa akin. Pero pinatunayan niyang mali ang akala ko, dahil hanggang ngayon, hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin.
Kung ako, nagbago, oo dahil mas lumalim ang pagmamahal na iyon.
“Because I had fears in love too, Brielle. That happened when you pushed me away. But girl, now and forever... I'll stay.” dagdag pa niya na siyang dahilan para lumuha na naman ako.
He wiped my tears and hold my hand tightly and whispered…
“You can't push me away, Brielle. Because sooner or later, I promise to put another ring here.” tukoy niya sa ring finger ko.
“And when that day comes, you're FOREVER MINE.”
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 15 (Forever) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 03.08.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!